BIGLANG namatay ang ilaw sa stage. Tapos na ang palabas!
Maya-maya nabuhay ang ilaw.
Tinawag ni Gringo ang waiter na nagsisilbi sa kanya. Mabilis itong lumapit sa kanya.
“Tapos na ba ang palabas?’’
“Hindi pa Sir. Pasakalye lang yun. Wala pa yung star ng mga kolehiyala.’’
“Ganun ba? Mga anong oras lalabas ang star?’’
“Mamayang 10:00 lalabas na yun tapos mauulit ng 12:00.’’
“Ah okey.’’
“Pero bago lumabas ang star ng kolehiyala marami pang magsasayaw diyan. Abang ka lang Sir.’’
“Sige, bigyan mo ako ng crispy pata at saka isa pang bote.’’
“Right away Sir.”
Sinaid ni Gringo ang laman ng ikalawang bote. Ahhh, sarap!
Iginala niya ang tingin sa paligid. Marami nang tao. Kaninang pumasok siya ay iilan pa lang. Habang lumalalim ang gabi ay parami nang parami ang mga tao. May naispatan pa siyang Koreano at Japanese sa dako roon.
Siguro kaya dumarami ang tao ay dahil sa inaabangan ang star ng mga kolehiyala. Hindi kaya si Mahinhin ang star na iyon. Sana naitanong niya sa waiter.
Maya-maya, namatay uli ang ilaw. Pagsindi, nasa stage na ang may anim na dancer. Mga nakasuot pangkolehiyala ang mga ito. Magaganda. Mga edad 18 at 19 siguro. Bumilis ang ilaw at humarot ang music. Hindi kaya si Mahinhin ang isang iyon na nasa gawing dulo. Parang kamukha ng picture na ipinakita ni Nectar sa kanya.
Pinagmasdan niyang mabuti. Parang si Mahinhin nga.
Hanggang sa mawala uli ang ilaw. Makaraan ang isang minuto, nabuhay uli at nakita niya na naka-panty at bra na lang ang mga dancer.
Umiindayog na sila. Maharot ang music.
Mamaya pa, isa na lamang ang nasa stage. Mahusay na mahusay. Hindi kaya ito si Mahinhin?
Nang lumapit ang waiter, tinaong niya ito.
“Anong pangalan ng dancer na ‘yan? Mahusay ah.’’
“Kathy Sir.”
“Hindi ba Mahinhin?”
(Itutuloy)