Dating chinese millionaire naging pulubi naubos ang kayamanan dahil sa pag-rescue sa mga kakataying aso!

MARAMING mayayaman o mga mga milyonaryong tao ang naghirap dahil sa iba’t ibang kadahilanan. Mayroong nag­hirap dahil sa mga bisyo gaya nang pagsusugal, pag-inom ng alak, pambababae, pagdodroga at iba pang masamang bisyo. Mayroong naubos ang kayamanan dahil sa pagpapagamot at mayroon ding dahil sa pagiging maluho o magarbo ang pamumuhay.

Pero kakaiba ang nangyari sa dating milyonaryo na si Wang Yan, 29. Naubos lahat ang kanyang kayamanan at wala siya ni isang kusing ngayon. Mistula siyang pulubi. Ang dahilan: Dahil sa pag-rescue niya sa mga aso para hindi makatay ang mga ito. Ibinuhos niya ang kayamanan sa maraming aso na nasa katayan.

Si Yan, sa murang edad ay isang matagumpay na negos-yante. May-ari siya ng isang pabrika ng bakal sa Changchun, sa probinsiya ng Jilin sa China. Mahusay siyang magpatakbo ng negosyo. Marami ang humahanga sa kanya pati ang mga kapwa negosyante.

Subalit nagbago ang lahat nang mawala ang alagang aso ni Yan noong 2012. Hinanap niya ang alaga subalit hindi niya makita. Hanggang sa may nakapagsabi sa kanya na hanapin sa mga shop na katayan ng aso.

Ginawa iyon ni Yan. Hinanap niya sa mga katayan ng aso ang kanyang alaga. Subalit wala ito roon. Ganunman, labis na naawa si Yan sa mga asong nasa shop at nakahanda nang katayin. Masyado siyang na-disturbed kung paano brutal na kinakatay ang mga aso.

Hanggang sa maipangako niya sa sarili na bibilhin lahat ang mga aso na nakatakdang katayin. Lahat nang mga katayan ng aso sa kanilang pro-binsiya ay tinungo niya at binili ang mga aso. Iyon ay para maligtas ang mga ito sa tiyak na kamatayan na na-ging dahilan naman ng kanyang pamumulubi.

Show comments