Sir Juan (31)

NANG makita ni Nectar na papasok na sa trabaho si Mahinhin ay mabilis niya itong sinundan. Gusto niyang makatiyak sa trabaho nito. Hindi siya naniniwalang bookkeeper ito. At ang pagkakasabi sa kanya, sa pabrika raw nagtatrabaho. Sinungaling!

Sa KTV bar ito nagtatrabaho --- sa KOLEHIYALA na nagpapalabas ng mga malalaswa. Siguro kaya KOLEHIYALA ang pa-ngalan ng KTV Bar ay dahil mga college students ang performer. At ano ang ginagawa ng performers --- nagbubuyangyang ng pechay sa stage. Iyon ang ginagawa ni Mahinhin sa KOLEHIYALA. Bookkeeper daw --- ha-ha-ha! Baka Bookkik----! Saka nagtawa nang tahimik si Nectar habang sinusundan si Mahinhin.

Mabilis  maglakad si Mahinhin. Limang minuto na lamang bago mag-6:00 p.m. Siguro’y 6:00 ang umpisa ng buyangyangan sa KOLEHIYALA.

Habang naglalakad, kinakapa ni Nectar sa bulsa ang kanyang cell phone. Ang cell phone ang kukuha ng ebidensiya na hindi sa pabrika nagtatrabaho si Mahinhin kundi sa isang KTV Bar na nagpapalabas ng malaswa. Malay niya kung may mga nagsa-shabu rin sa KOLEHIYALA. Kadalasang ang mga KTV Bar daw ay bagsakan din ng droga – shabu at ecstacy at iba pang love drugs na grabe ang tama.

Hanggang sa matanaw ni Nectar ang KOLEHIYALA. Malapit na. Nagmamadali pa rin sa paglalakad si Mahinhin.

Inihanda ni Nectar ang cell phone niya para kunan si Mahinhin sa pagpasok nito sa KOLEHIYALA.

Nang pumasok si Ma­hinhin sa bar, kinunan ni Nectar. Klik! Klik! Klik!

Napangiti si Nectar. Mayroon na siyang ebidensiya!

(Itutuloy)

Show comments