KUNG ang ibang tao ay addict sa pagkain ng sitsarong baboy, fishball, barbecue na isinawsaw sa suka, sarsa o iba pang manamis-anghang na sawsawan, kakaiba naman ang kinahiligang kainin ng 23-anyos na babae sa North Tyneside, England. Ito ay espongha (sponges) na isinawsaw sa dishwashing liquid.
Ayon kay Emma Thompson, una siyang nakagustong kumain ng sponge noong siya ay tatlong taong gulang at mula noon, regular na siyang kumakain nito. Nakakaubos umano siya ng 20 sponges araw-araw. Hindi raw niya mapigilan ang sarili sa pagkain nito at maski sa pinapa sukang tanggapan ay kumakain siya --- nagbabaon siya nito. Kung ang iba ang laman ng lunchbox ay steak, siya ay sponges. Gustung-gusto raw niya ang amoy at lasa ng washing liquid sa sponge. Paborito niya ang Fairy Liquid na pagsawswan ng sponge.
Si Emma ay may condition na tinatawag na Pica (isang OCD disorder kung saan ang isang tao ay nahahaling kumain ng mga bagay na walang nutritional value). Ganunman, hindi pa kumukunsulta sa doctor si Emma para magamot ang kanyang kinahuhumalingang pagkain ng sponge.
Ipinagtapat pa ni Emma na pawang bagong sponges ang gusto niya. Hindi siya kumakain ng sponges na nahawakan o nagamiit na ng ibang tao. Gusto niya ay fresh sponges.