Gusto kong maging Mabait

… kahit hindi ako DAGA

GUSTO kong matutuhang maging mabait sa mga taong hindi mabait sa akin. Gusto ko rin maging mabait kahit hindi ako daga. Di ba tinatawag nating “mabait” ang mga daga kahit perwisyo sila. Pinaplastik kasi ng mga tao ang daga para lang huwag sirain ang mga damit nila.

Ano ang first step para maging mabait?

• Maging mabait muna sa sarili sa pamamagitan ng pagbibigay ng oras sa sarili para mag-relax. Kapag pagod, nagiging masungit at ang tendency ay sumimangot lagi. Kung naipapahinga mo ang sarili, hindi mo mapapansin na pati ang facial expression mo ay nagiging kalmado at nagiging maamong kordero. Dahil umaamo ang mukha, nagiging maganda ka sa paningin ng ibang tao.

• Ikaw ang mag-first move. Ibig sabihin, ikaw na ang mag-effort na maging mabait. Kasi kung hihintayin mo silang maunang maging mabait sa iyo, maliit na maliit lang ang tsansa. Sabi nga: Kung ano ang ibinigay mo, iyon ang matatanggap mo. What about sa mga taong walang utang na loob? Ows, huwag mo silang intindihin dahil sa bawat 5 tao na ginawan mo ng kabutihan, isa lang ang may tsansang dedmahin ang kabutihang ginawa mo sa kanya. Mas marami pa rin ang natirang mag-a-appreciate ng kabaitang ipinakita mo.

• Kapag nais mong purihin ang isang tao, sabihin mo. Hindi mo lang alam kung anong kaligayahan ang idudulot ng papuri mo sa kanya.

• Bawasan ang pagiging mapanghusga. Sabi nga ng pinsan kong pilosopo, huwag mang-judge, dahil hindi naman kayo huwes. Imad-yinin mong ikaw ang nasa kalagayan ng hinuhusgahan mo para iyong maunawaan kung saan nanggagaling  ng mga “angst” niya sa buhay.

• Maglagay ng boundary kung hanggang saan ang pagiging mabait mo. Lahat ng bagay ay may hangganan. Mag-set ng boundary. Maging mapagmasid sa mga taong mahilig umabuso ng kabaitan ng kanyang kapwa upang batid mo kung kailan ka tatanggi sa kanilang mga kahilingan.

• Maging mabait na ismarte. Nakakainis na yung mabait na tanga.

Show comments