…sa nobyong nanakit nang emosyunal at pisikal sa iyo.
KUNG ano ang klase ng inyong relasyon noong hindi pa kayo mag-asawa, ‘yun na ang magiging relasyon ninyo habang buhay. Bihira sa mga taong nasa hustong gulang ang nagbabago ang ugali. You can’t teach old dog new tricks.
Nagawa ka niyang saktan dahil hindi ka ganoon kaimportante sa kanya. Malay mo, kaya lang siya bumabalik sa iyo ay para patunayan sa kanyang sarili na magaling siyang magpaikot ng babae. Kaunting drama, kaunting pangako na magbabago na, kuha agad niya ang loob mo. E, di wow, ang galing niya.
Mahalin mo muna at igalang ang iyong sarili sa pamamagitan ng paglayo sa taong dahilan ng inyong “toxic relationship”. Ang “healthy relationship” ay dapat na nagdudulot ng kaligayahan sa magkarelasyon, at hindi black eye at gutay-gutay na pagkatao.
Tulungan ang sarili na maka-move-on. The sooner you can move on, the faster you will see yourself going forward. Marami ka na ulit makikilalang tao na tatratuhin ka nang tama. Unti-unting mabubuksan ang iyong puso hanggang sa mamamalayan mo na lang na marunong ka na ulit umibig.
Hindi mo kailangang makipagbalikan dahil marami pang lalaki ang darating na mas deserving sa iyong pagmamahal.
I was your cure, but you were my disease. I was saving you, but you were killing me. – Anonymous