ABALANG-ABALA ang mga engineer sa ginagawa nilang dam project sa Madeira River sa Brazil.
Para maitayo ang dam, kailangang i-drained o limasin lahat ang tubig ng ilog para mailagay ang mga pundasyon. Kailangan ding laliman ang hukay sa ilog para masigurong matibay ang dam. Ang proyektong iyon ay isa sa mga pinakamalaki sa Brazil.
Habang hinuhukay ang ilog, nagulat ang operator at iba pang trabahador nang may makita silang mga gumagapang na sa unang tingin nila ay mga ahas! Pero kakaiba sa mga ahas sapagkat makintab ang balat.
Agad nilang pinagbigay-alam sa mga engineer ang nakita. Itinigil ang paghuhukay at paglimas ng tubig at kinuha ang mga gumagapang sa ilalim ng ilog.
Gulat na gulat sila nang makita ng malapitan ang mga “ahas”. Mistulang ari ng lalaki ang itsura ng mga ito.
Nang isangguni nila sa isang Biologist, napag-alaman nilang iyon ay tretochoana eiseltiis, lalong kilala sa tawag na caecilian, isang limbless amphibian. Kilala rin ito sa tawag na Penis snake dahil sa pagkakahawig sa ari ng lalaki.