NAPARALISA ang ama ni Hao Dongdong, 15, ng Anhui Province. Walang silang pera at kailangang maipagamot ang ama. Nakaisip ng paraan si Hao kung paano makakalikom ng pera para sa ama. Nagdamit at nagsuot siya ng maskara ng baka at pumuwesto sa sidewalk at inaalok ang mga dumadaan na sumakay sa kanya sa halagang 5 yuan. Naglagay siya ng karatula na para iyon sa ama niyang may sakit at nasa ospital. May mga nahikayat sumakay sa kanya, lalo ang mga bata. Kumikita siya ng 300 yuan sa isang araw.
Tatlong buwan na ginawa iyon ni Hao. Pero may mga nagsabi na nanloloko lamang si Hao. Hindi naman daw paralisado ang ama. Nalungkot si Hao sa paratang na iyon. Kaya ang ginawa ni Hao ay dinala sa mismong sidewalk ang ama para malaman nang marami na hindi siya nanloloko.
Nakunan ng photo si Hao kasama ang ama habang nasa sidewalk. Kumalat ang picture na iyon at napatunayang hindi siya nanloloko.
Naparalisa ang ama ni Hao makaraang bugbugin sa isang tindahan. Da-ting magsasaka ang kanyang ama. Nabali ang buto sa spine ng kanyang ama na ikinaparalisa nito. Dahil sa kahirapan, tumigil na sa pag-aaral ang kanyang mga kapatid.
Pagkatapos niyang mamalimos, siya pa rin ang matiyagang nagbabantay sa kanyang ama sa ospital. Sana raw ay marami pa ang tumulong sa kanila.