Malayong pag-asa

Sa pagsisimula ng bawat umaga

ay umasa tayo na maging masaya;

pero sa tingin waring malayo pa

hinihintay natin na bagong pag-asa!

 

Sa ngayon pagmasdan mo ang paligid

pook ng mahirap ay lubog sa tubig;

mga mangingisda’t mga magbubukid

kinikita nila halos gagabinlid!

 

Sa mga bukirin at mga barangay

di rin kumikita sa inaning palay;

pa’no ang kanilang bukid at parang

lubog din sa baha pagpatak ng ulan!

 

At may mga nayong halaman ay sayang

masanting  ang init dahil sa tag-araw;

hinging irigasyon sa mga mayaman

hindi nagagawa kahit noon pa man!

Show comments