Mga ugaling okey sa mga ‘Kano’ (Last Part)

... pero kabastusan sa ibang kultura

Pagbibigay ng Upuan sa Bus

Hindi lang sa mga Kano, sa mga Pinoy din, na ang pagbibigay ng upuan sa mga matatanda at kababaihan ay isang magandang asal. Pero kapag nasa Denmark ka, huwag mong gagawin iyan at pag-iisipan ka ng masama. Maghihinala ang babaeng inalok ng upuan na may masama kang binabalak sa kanya, lalo na kung lalaki ka; o kaya ay sira ang upuan at inayawan mo lang ito o hindi komportableng upuan ang seat kaya inalok mo lang sa kanya.

Pagkukuwentuhan sa Dinner Table

Hindi puwede ang magdaldalan habang kumakain sa Finland. Dapat panatilihin ang katahimikan habang kumakain.

Pamumuri ng mga Gamit sa Bahay

Nagbibigay tayo positive feeling sa host kapag pinuri natin kung gaano kaganda ang bahay niya. Ang pamumu-ring ito ay puwedeng mag-extend hanggang sa furnitures at pandispley sa bahay. Pero kapag nasa Oman ka, isaloob mo na lang ang paghanga sa magagandang gamit sa loob ng bahay. Obligado ang host na ibigay sa guest ang bagay na pinuri nito. Nakaka-guilty. Paano kung ang paboritong painting ng host ang pinuri mo?

Ceremonies are different in every country, but true politeness is everywhere the same. -- Oliver Goldsmith

Show comments