… tungkol sa Hungry Ghost Month
WALANG fixed date ang Hungry Ghost Month. Noong nakaraang taon, ito ay nag-umpisa ng July 27 at nagtapos ng August 24. Ngayon ito ay nag-umpisa noong August 14 at magtatapos sa September 12. Pinapaniwalaan na ito ang panahon kung kailan ang mga kaluluwa ay binibigyan ng permisong bumaba sa lupa upang dalawin ang mga mahal sa buhay. Lahat ng bumababang mga kaluluwa ay nagugutom kaya tinawag na Hungry Ghost Month. Ito ang dahilan kung bakit nag-aalay ng pagkain at nagsisindi ng incense stick ang mga Chinese sa kanilang altar sa bahay.
Sa panahon din ito nagsusunog ng pera (pera-perahan), papel na bahay, kotse, TV para gamitin nila sa kabilang buhay. Ngunit may mga kawawang kaluluwa na wala nang nagdadasal at nagsusunog ng papel na pera at iba pang simbolo ng luxuries para sa kanila. Ito ang dahilan kung bakit may nagtatayo ng altar sa mga kalye kung saan maraming pagkain ang nakahain. Nakalaan ito para sa mga kawawang kaluluwa or homeless souls na kinalimutan na ng kanilang kamag-anak.
Narito ang iniiwasang gawin ng mga Chinese tuwing sasapit ang Hungry Ghost Month:
1. Huwag iihi sa puno. Baka may nagpapahingang kaluluwa doon.
2. Huwag magpapaabot ng gabi sa kalye. Baka sundan ka ng homeless souls at sumama ito hanggang bahay n’yo.
3. Huwag magpapakasal sa ghost month.
4. Huwag mag-swimming. Maraming nalulunod sa ganitong panahon.
4. Huwag dumalaw sa maysakit na nasa ospital o mag-attend ng libing.
5. Huwag magsusuot ng itim na damit.
6. Huwag mag-iwan ng bukas na payong sa labas ng bahay, baka doon sumilong ang kaluluwa.
7. Huwag patayin ang paroparu at grasshopper na pumasok sa bahay, maaaring kaluluwa iyon ng inyong kamag-anak.
8. Huwag mag-renovate ng bahay.
9. Huwag magsampay ng damit sa gabi. Baka pamahayan ng homeless souls.
10. Huwag magsuot ng sapatos na may mataas na takong. Mabilis sapian ng espiritu ang taong nakatikdi (nakataas ang sakong).
11. Huwag magpakuha ng picture sa gabi.
12. Huwag maglaro ng spirit of the glass.
Sources: Wikipedia, my.72dragon.com