NANGANGANIB na masibak sa puwesto si Calabarzon police director Chief Supt. Richard Albano dahil sa ginawang pag-ambush ng EDSA hulidap cops kay kidnap gang leader Rolando Fajardo. Napansin kasi ni DILG Sec. Mar Roxas at mga PNP top brass sa Camp Crame na hindi si Albano ang nakakalutas ng kaso ni Fajardo kundi ang agents pa ng NBI. Ang masama pa, ang mga suspects sa Fajardo ambush ay mga dating bataan ni Albano noong hepe pa siya ng Quezon City Police District (QCPD). Si Fajardo ay nadebdol sa ambush sa Calamba City noong Hunyo at tatlo sa mga suspects, na sina Senior Inspector Marco Polo Estrera, PO2 Jerome Datingguinoo at PO2 Mark de Paz, ang kinasuhan ng NBI ng murder. Sa ngayon, ang pamilya at kamag-anak ni Fajardo ay naglagak ng P3 milyon na pabuya para sa ikahuli ng mga suspects. Puro pitsa-pitsa kasi ang lakad nitong mga bataan ni Albano na sina Atty. Gerry Asuncion at Ryan Bacordo ng Rosario, Batangas kaya nakalimutan na ang public service o ang Lambat Sibat na programa ni Roxas, di ba mga kosa? Kung paiiralin ni PNP chief Dir. Gen. Ric Marquez ang “walk the talk” na isinusulong n’ya, t’yak sa kangkungan ang bagsak ni Albano, di ba Atty. Ding Acio Sir? Anong say n’yo mga kosa? Hehehe! Weder-weder lang ‘yan!
Matatandaan na sina Estrera, Datingguinoo, De Paz at anim pang pulis ng QCPD ay nakunan ng litrato sa P2.1 milyon hulidap operations sa EDSA Mandaluyong City noong Setyembre 1, 2014 na kumalat sa social media. Dahil sa sumbong nina Camal Mama at Samanodin Abdulgafar, kinasuhan ng Eastern Police District (EPD) ng car theft, kidnapping at robbery in band itong tatlo, kasama ang anim pa sa Mandaluyong City RTC. Nang maganap ang hulidap operations, si Albano ang hepe ng QCPD at ilan sa mga suspect ang sumuko sa kanya, maliban kay Estrera na at large dahil AWOL s’ya sa serbisyo. Uma-attend nang pagdinig ng kaso nila itong sina Sr. Insp. Oliver Villanueva, SPO1 Ramil Hachero, PO2 Eronn Decatora, PO2 Weavin Masa, de Paz at Datingguinoo nang tumakas sila matapos maulinigan na magpapalabas ng arrest warrant si Judge Carlos Valenzuela ng RTC Branch 213. Matapos magtago, lumutang sina Estrera, de Paz at Datingguinoo at pinaslang nga si Fajardo na ang motibo, ayon sa mga kosa ko, ay ang illegal gambling sa Laguna. Hehehe! Pitsa-pitsa talaga ang lakad nitong mga EDSA hulidap cops! Ano sa tingin n’yo mga kosa? Tumpak!
Dahil sa EDSA hulidap, pilit na hinaharang ni Roxas ang pagtalaga kay Albano sa Calabarzon police, subalit dahil sa nalalapit na election, bumigay siya. Dahil sa pag-ambush kay Fajardo, maraming katanungan ang umusbong sa Camp Crame na nagbigay ng alinlangan sa liderato ni Albano, anang mga kosa ko. Kung hindi napigilan ni Albano ang EDSA hulidap operations, bakit tumira uli itong mga suspects sa Calabarzon kung saan siya ang hepe ng pulisya? Minamaliit nina Estrera, Datingguinoo at De Paz ang kakayahan ng mga tauhan ni Albano dahil alam nila puro pitsa o pabaon lang ang aatupagin nila? Baka naman may hinanakit ang EDSA hulidap cops kay Albano sa QCPD kaya’t tumira sila sa Calabarzon para ipahiya siya? Ahhh! Maraming katanungan na si Albano lang ang may kasagutan, di ba mga kosa? Habang abala si Albano sa pagbangon ng kredibilidad niya, tuloy din naman ang tong collection activities ng pinsan at bagman niya na si Atty. Asuncion at Ryan Bacordo, gamit ang tatlong itlog na sina PO3 Greg Oruga ng Laguna PPO, Sgt. Willy Maligaya ng Batangas PNP at Sgt. Tony Villacorta ng RPHAU-NCRPO. Hehehe! Malapit nang husgahan ang dirty cops ni Albano, di ba Gen. Marquez Sir?
Para maibangon ang kredibilidad niya, dapat maunahan ni Albano ang NBI agents sa pagkuha kina Estrera, Datingguinoo, De Paz at iba pang EDSA hulidap cops, di ba mga kosa? Abangan!