(Last Part)
Gertrude Stein
American writer ng tula, play at nobela. Pupuwesto siya sa front seat ng kotse at doon magsusulat.
Ernest Hemingway
Novel Prize winner at isa sa kinikilalang great American novelist. Kailangang nasa paligid niya ang alagang 60 pusa kapag nagsusulat. Iniwan siya ng asawang nurse at sumama sa ibang lalaki. Ito ang naging ugat ng kanyang pagiging malungkutin at nang magtagal ay nagpakamatay.
Sir Walter Scott
Scottish historical novelist, poet, playwright. Nagsusulat ng tula habang nakasakay sa kabayo. Mas nagiging malikhain siya kapag lumulukso-lukso ang kabayo.
Jack London
American author ng sikat na White Fang at The Call of the Wild. Gumigising siya ng 5 am para magsulat sa kanyang higaan. Ang kanyang bed ang nagsisilbing “office”.
James Joyce
Bago magsimulang magsulat, magbibihis muna siya ng white coat para lang dumapa sa bed upang magsulat. Dahil sa posisyong ito, hindi siya gumagamit ng typewriter. Binubuo niya ang kanyang kuwento sa pamamagitan ng handwriting.