Weird Work Habits ng mga Writers

Friedrich Schiller

German poet, playwright, writer, historian, philosopher na nabuhay noong 1759 hanggang 1805. Nakakapagsulat lang siya kung may naaamoy siyang nabubulok na mansanas sa drawer ng kanyang office table. Ang aroma ang nagbibigay sa kanya ng motivation para maging malikhain.

 

Alexandre Dumas

French writer na sumikat sa kanyang obra na The Three Musketeers at The Count of Monte Cristo. Ang kanyang nobela ay sa blue paper niya isinusulat. Ang mga tula ay sa yellow paper. Ang essay or feature articles ay sa pink paper.

 

Truman Capote

American screenwriter, playwright at author ng mga libro. Masyado siyang mapamahiin. Hindi niya sinisimulan ang pagsusulat ng kanyang obra sa araw ng Biyernes lalo na kung matatapat ito sa Friday the 13th. Nagrereklamo siya at agad pinapalitan kung number 13 ang ibinigay sa kanyang hotel room.

Hindi niya hinahayaang sumobra sa tatlo ang bilang ng upos ng sigarilyo sa ash tray. Ang sobra ay sa bulsa na niya inilalagay. Hindi siya sumasakay ng eroplano kapag nalaman niya higit sa isa ang madre na pasahero.

 

Sidonie-Gabrielle Colette

French novelist. Hinihingutuhan niya muna ng garapata ang kanyang paboritong aso na si Souci. Kapag naramdaman niyang nasa mood na siya, saka niya uumpisahan ang pagsusulat.

(Itutuloy)

 

Show comments