Gamot sa Hangover

…mula sa iba’t ibang panig ng mundo:

Russia

Gumagawa sila ng Nikolashka. Paano? Tanggalin ang balat ng one-fourth slice ng lemon. Budburan ang ibabaw ng asukal at pulbos ng instant coffee. Isubo kagatin at lunukin ang Nikolashka. Sundan ng hot sauna upang lumabas ang toxin sa pamamagitan ng pagpapapawis.

United Kingdom

Pagkaraang maglasing noong gabi, mag-almusal kinabukasan ng traditional full English breakfast: pritong bacon, sausages, eggs, black pudding (blood sausage), fried bread or toast at baked beans. Ang fats sa pagkain ang sumisipsip ng alcohol sa katawan.

Peru

Uminom ng leche de tigre or tiger’s milk. Cocktail drink ito na pinaghalong 1 cup na lime juice, fresh fish fillet, coriander, garlic, red onion, chilli, salt, rocotto pepper. Katulad ito ng ating kilawing isda. Tinawag na tiger’s milk dahil kapag pinagsama-sama ang ingredients, para daw itong kulay ng tigre. Nagsisilbi rin itong aphrodisiac.

Poland

Kinabukasan ng umaga, iinumin lang nila ang juice ng bottled pickles na gawa sa suka, asin at tubig. Nakaka-rehydrate ito at nakakalakas.

Italy

Ang hangover ay nasosolusyunan lang ng isang tasang napakata­pang na kape. Pinapaluwang daw nito ang ugat kaya makakadaloy nang maayos ang dugo. Ang resulta ay paghinto ng sakit ng ulo.

Ecuador

Nagpapakulo sila ng fresh oregano leaves at ginagawang tsaa.

Sa mga mahilig bumarik, hayan, marami na kayong ideya kung ano-ano ang puwedeng gayahin para pantanggal ng sama ng pakiramdam matapos ang magdamagang barikan..

Show comments