Problema ng bansa

Problema problema saka problema pa

Ngayo’y gumugulo sa loob ng bansa

Wala nang puntahan ang bata’t matanda

Kaya ang gobyerno ay walang magawa!

 

Mga mamamayang laging nagsisikap

Na ang hinihintay ay magandang bukas

Dahil sa problema’y hindi mapanatag

Magulang, kapatid agad nauutas!

 

Tanong nang marami nating mamamayan

Bakit ang problema’y walang katapusan?

Gulo sa Maynila at kahit saanman

Sila ay kasama sa problemang pambayan?

 

Tahimik na taong mga magbubukid

Inaagawan pa ng lupa’t patubig

Pag-uwi ng bahay, magulang, kapatid

Hinalay, pinatay ng mapanligalig!

Show comments