IKINUWENTO ni Jo kina Princess, Precious at Mam Diana ang mga nangyari kung paano siya nakaligtas.
“Isang matanda o ermitanyo ang nagligtas sa akin. Kung hindi dahil sa kanya, baka hindi na tayo nagkita.’’
“Sinong matanda ‘yun, Jo?’’ tanong ni Princess.
‘‘Si Tatang Nado. Napakabait niya. Dalawang beses niya akong iniligtas sa kamatayan.’’
‘‘Dalawang beses? Paano?’’
Sinabi ni Jo.
Hindi makapaniwala sina Princess.
‘‘Nasaan siya Jo. Nasaan si Tatang Nado?’’ tanong ni Princess.
“Naiwan siya sa bundok. Doon na siya naninirahan.’’
‘‘Bakit?’’
Ipinaliwanag muli ni Jo sa tatlo kung bakit nasa bundok si Tatang Nado. Sinabi niya ang mga nagawang pagkakamali ni Tatang Nado sa asawa at nag-iisang anak.’
‘‘Ah kaya pala naging ermitanyo siya.’’
“Nagsisi na siya sa mga nagawang pagkakamali. At ang tanging hiling niya bago man lang daw siya mamatay ay makita at makahingi ng tawad sa kanyang asawa at anak.’’
“Nasaan na raw ang asawa at anak niya Kuya Jo?’’ tanong ni Precious.
“Hindi niya alam. Hinanap na raw niya noon ang mag-ina pero hindi niya nakita. Nakarating siya sa Maynila at iba pang lugar pero hindi niya natagpuan. Hanggang sa ipasya na niyang sa bundok manirahan.’’
“Kawawa naman pala si Tatang Nado,’’ sabi ni Mam Diana. ‘‘Nagsisi na naman pala siya.’’
‘‘Opo Mam Diana. Matagal na niyang pinagsisihan ang nagawa sa mag-ina.’’
“E kung tulungan natin siyang hanapin ang kanyang mag-ina?’’ tanong ni Mam Diana.
‘‘’Ýan nga po ang balak ko Mam Diana. Hahanapin ko ang mag-ina ni Tatang Nado at ipaaalam ko sa kanila na nagsisi na ang matanda. Gusto niya makita ang mag-ina para makahingi ng tawad.’’
“Sige, ipahahanap natin ang mag-ina. Kahit magbayad ako nang malaki basta makita lang ang mag-ina ni Tatang Nado.’’
“Salamat po Mam Diana. Gusto kong makaganti kay Tatang Nado.’’
“Makikita natin ang mag-ina, Jo. Akong bahala.’’
“Salamat po.’’
Kinabukasan, sinimulan na ang paghahanap sa mag-ina ni Tatang Nado.
(Itutuloy)