Babae sa UK, 40 taon nang hindi ngumingiti upang makaiwas sa wrinkles

ISANG babae sa United Kingdom ang apat na dekada nang hindi ngumingiti dahil ayaw daw niyang magkaroon ng kulubot ang kanyang mukha.

Ito ang dahilan kung bakit kahit tuwing may kasiyahan, hindi makikita ang 40-anyos na si Tess Christian na ngumiti o tumawa. Kahit daw noong ipinanganak ang kanyang anak na babae ay hindi raw ngumiti si Tess.

Ipinagmamalaki ni Tess na kontrolado na niya ang muscle sa kanyang mukha kaya nagagawa niyang pigilan ang mga ito sa pagngiti kahit may masaya o nakakatuwang pangyayari na nararanasan.

Mukha namang sulit ang 40 taong hindi pagngiti ni Tess dahil madalas siyang napagkakamalan na nagpa-botox dahil wala pa siyang kulubot sa mukha sa kabila ng kanyang edad na 50.

Hindi naman nag-iisa si Tess sa kanyang pag-iisip na nagdudulot ng wrinkles ang pagngiti. Sinasabing pati ang celebrity na si Kim Kardashian ay hindi masyadong ngumingiti upang maiwasan ang pagkakaroon ng kulubot sa kanyang mukha.

Sumasang-ayon din ang ilang dermatologists na maari nga na maging epektibo ang hindi pagngiti. Ganito rin daw kasi ang epekto ng pagpapaturok ng botox sa mukha. Gumagana kasi ang botox sa pamamagitan ng pagbabawas ng paggalaw ng muscle sa mukha upang maiwasan ang pagkakaroon ng wrinkles.

Show comments