May Hiwaga sa Pag-ibig

(Last Part)

“Romeo and Juliet” effect ang tawag sa sitwasyong lalong umaalab ang pag-iibigan ng lalaki at babae habang may humahadlang o tumututol sa kanilang pagmamahalan.

May kinalaman ang “timing” para ma-in love ang isang tao. Mas malaki ang posibilidad na mabilis ma-in love ang isang tao kung siya ay bagong dating sa ibang bansa at wala pang kakilala; nalulungkot; naghahanap ng bagong adventure; may kinakaharap na krisis sa kanyang buhay; financially and psychologically ready para bumuo ng sariling pamilya.

Nai-in love ang mga babae sa mga lalaking may pinag-aralan, ambisyon, pera, status, karespe-respeto at marunong rumespeto, sense of humor at matangkad.

Nakakaakit din sa ibang babae ang lalaking pangahan at may cheekbone.

Ang tendency ng lalaki ay sukatin visually kung ang babae ay may potensiyal na magbuntis. Malaki ang balakang, may “aura” ng isang healthy individual at masiglang kumilos.

Samantalang ang tinitingnan ng babae ay kung magiging good provider ang lalaki. Magiging maayos ba at maginhawa ang buhay niya sa lalaking ito? Hindi ba tatanga-tanga?

Ang “pagkahaling” (Over Acting love) sa isa’t isa ng dalawang nag-iibigan ay tumatagal lang ng mahigit sa isang taon. Lilipas ang “pagkahaling” at mapapalitan ito ng “permanent love” na tama lang ang timpla, wala nang bahid ng kaoeyan.

Para manatili ang alab ng pagmamahalan, ipinapayo ng mga therapists ang sumusunod: Makinig lagi sa sinasabi ng partner; magtanong; magbigay ng opinion; appreciate; manati-ling attractive; grow intellectually; ibigay ang kanyang privacy; maging honest; sabihin ang iyong kailangan; patawarin ang kanyang pagkukulang; ibigay ang kaukulang pagrespeto; huwag mananakot na lalayasan siya; iwasan ang pangangaliwa at iaplay ang “variety” sa inyong activities kasama ang sex.

Show comments