Life’s Little Instruction (5)

47. Maglaan ng budget para pambili ng diyaryo. Iba ang experience kapag binabasa ang balita. Gumagana ang iyong “imagination” habang nagbabasa.

48. Kapag nakatanggap ng papuri, isang sincere  “thank you” lang ang kailangan mong isagot.

49. Huwag mag-discuss ng business sa elevator. Siguradong may maka­karinig, unless, gusto mo talagang ipagyabang.

50. Huwag ipagtapat ang iyong sekreto sa kaibigan. Ang iyong kaibigan ay may sariling kaibigan na maaaring pagtapatan ng sekretong ipinagtapat mo sa kanya. Before you know it, kalat na kalat na ang iyong sekreto, ikaw na lang ang hindi nakakaalam.

51. Iwasang sabihan ang ibang tao na mukha siyang pagod o depressed. Para mo na rin sinabing: Ang pangit mo.

52. Pag-isipang mabuti ang pagpapahiram ng pera sa kaibigan. Delikadong dalawa ang mawala sa iyo – pera at kaibigan.

53. Huwag matulog na may nagkalat pang pinggan  sa lababo. Iyan ang sisira ng araw mo kinabukasan. Mas maganda ang gising kung malinis na kitchen ang mabubungaran pagkagising.

54. Mag-ingat sa mga taong wala nang pinag-iingatang reputasyon. ‘Yun bang pakawala na ang buhay.

55. Kung bumibili ka ng mamahaling bagay at babayaran mo ito ng cash, humingi ng discount.

56. Don’t expect life to be fair.                                           

(Itutuloy)

Show comments