“BIGLA akong kinabahan, Jo, baka may nangyari kay Precious. Baka isang tauhan ni Chester ang pumasok sa bahay mo at muling kinidnap si Precious,’’ sabi ni Princess na napahawak sa braso ni Jo.
‘‘Kung anu-ano ang naiisip mo. Patay na si Chester at ang mga tauhan niya ay nadakip na lahat. Wala nang mangingidnap sa mga dalagita.’’
Napasubsob sa balikat ni Jo si Princess. Pagkatapos ay bigla itong nagtawa. ‘‘Napapraning na yata ako. Lahat ay kinatakutan ko.’’
‘‘Huwag kang matakot dahil wala nang salot ng mga dalagita. Namatay si Chester dahil sa ginawa niyang bitag. Kung nakita mo si Chester kikilabutan ka.’’
‘‘Naiimadyin ko ang nangyari kay Chester. Nagbayad din siya sa kasamaaan niya.”
“May hangganan ang lahat.”
“Halika na, Jo. Gusto ko nang makita si Precious.’’
Nagmamadali silang umuwi.
Pagdating na pagdating ay hinanap ni Princess ang kapatid.
“Precious! Precious!’’
Walang sagot.
“Bakit walang sumasagot?’’
“Baka nasa kuwarto?’’
Tiningnan ni Princess. Wala roon. Saan nagpunta ang kapatid niya?
“Baka nasa banyo?’’
Tiningnan. Wala roon.
Nangngamba na yata si Princess.
“Relaks ka lang, Princess. Nandiyan lang sa tabi-tabi si Precious.’’
Maya-maya may narinig silang nagbukas ng gate.
Tiningnan ni Jo.
(Itutuloy)