ISANG bus na kayang tumakbo mula sa biomethane gas o gasolinang gawa mula sa tinunaw na mga basura ang ngayo’y pumapasada na sa mga lansangan sa United Kingdom.
Tinagurian itong ‘poo bus’ dahil ang biomethane gas ay maaring makuha rin mula sa na-process na dumi ng tao. Kayang tumakbo ng poo bus ng 300 kilometro kung uubusin nito ang buong tanke ng biome-thane gas na karga nito.
Kung bibilangin, katumbas ng dumi ng limang tao ang kailangan para mapuno ng biomethane gas ang tanke ng poo bus. Aabot kasi sa 60 kilometro ang itatakbo ng poo bus kung gagawing biomethane ang lahat ng dumi at basura ng isang pangkaraniwang tao.
Ang bus, na inaasahang 30 porsiyento ang ilalabas na carbon dioxide sa hangin kumpara sa ibang pangkaraniwan na bus, ay papasada mula sa Bristol Airport papunta sa bayan ng Bath. Ayon sa mga kinauukulan sa UK ay mala-king parte ang gagampanan ng poo bus sa kanilang pagsugpo sa air pollution doon. Sa halip kasi na krudo na masama sa kalikasan ay mismong mga tao na kasi ang nagpapatakbo sa poo bus gamit ang kanilang mga dumi na ginawang biomethane gas.