Sekreto ng Panama:
MAY pag-aaral na ginawa si Harvard professor Norman Hollenberg, MD, PhD, tungkol sa food habits ng mga Kuna, mga katutubong matatagpuan sa San Blas Island. Ang katutubong nabanggit ay nakasanayan nang uminom ng 5 tasang mainit na tsokolate (o higit pa) mula sa tablea. Ang tablea ay mula sa dinikdik o giniling na buto ng cacao.
Natuklasan ni Prof. Hollenberg na ang tablea na ginagawa lang sa bahay ng mga katutubo ay mayaman sa flavonoids kumpara sa chocolate powder na sumailalim sa processing sa pabrika. Kapag pala sumailalim sa “processing” at “refining” ang buto ng cacao, nababawasan ito ng flavonoids. Ang flavonoids ay powerful oxidant na humahadlang sa cancer, diabetes, stroke at sakit sa puso. Dahil sa hilig ng mga katutubo sa pag-inom ng tablea, nababawasan ang tsansa nila na magkasakit sa puso ng 10 porsiyento. Prescription: Ang 1 tasang mainit na tubig ay haluan ng honey, 1 kutsarang tablea at evaporated milk.
Sekreto ng Japanese:
Ang Japanese ay kilala sa pagkakaroon ng mahabang buhay kumpara sa ibang nationality. Sila rin ang may pinakamababang “obesity rate” sa buong mundo. Ang isa nilang trick upang makontrol ang dami ng kanilang kinakain ay ang tinatawag na hara hachi bu or eat until you are 80 percent full. Ang totoong nagpauso ng hara hachi bu ay ang mga taga-Okinawa. Marami sa mga tagarito ay mahahaba ang buhay at bihira ang matataba.
Prescription: Upang ma-achieve ang “80 percent full”, nguyain ang pagkain ng 20 times bago lunukin. Ang paraang ito ay kumukontrol upang hindi makakain nang marami ang isang tao. Kaunti pa lang ang nakakain pero busog na ang pakiramdam. (May kasunod pa…)