Extra ordinary people

Ang Manunulat Na Ginamit Ang Talukap

Ng Mata sa Pagsusulat

Jean Dominique Bauby

(lalaki, April 23, 1952- March 9, 1997)

Disability: Locked-in Syndrome

MAS kilala siya sa tawag na Jean-Do, isang sikat na French journalist, author ng libro, naging editor ng French fashion magazine na ELLE. Noong 1995 ay bigla siyang inatake sa puso at nag-comatose ng 20 araw. Nang magkamalay, natuklasang nagtataglay na siya ng kakaibang neurological disorder na kung tawagin ay locked-in syndrome. Perfect at normal ang kanyang pag-iisip ngunit paralisado mula paa hanggang ulo. Ang naigagalaw lamang niya ay ang kaliwang talukap ng mata.

Sa kabila ng kanyang kondisyon ay nakapagsulat pa rin siya ng libro: The Diving Bell and The Butterfly. Paano siya nakapagsulat sa kalagayan niyang talukap lang ng isang mata ang naigagalaw? Iyon nga. Talukap ng mata ang ginamit niya sa pagsusulat. Ang galing ‘no ?

Ganito iyon. Mayroong isang tagabasa ng alphabet. Isa-isang babasahin  ang mga letra sa paraang mabagal. Ikukurap ni Jean-Do ang kanyang mata kapag iyon na ang letra na tinutukoy niya. Pagkatapos ay isusulat ng tagabasa ang letrang tinukoy. Mabagal at mahabang proseso ang pinagdaanan ng The Divin­g Bell and The Butterfly bago ito natapos. Ito ay tungkol sa talambuhay ni Jean-Do. Inilalarawan niya ang nadarama at naiisip habang paralisado ang kanyang buong katawan. More or less ay ganito ang paglalarawan niya sa kanyang kondisyon: “A prisoner inside his useless body”. Ang libro ay na-published sa France noong March 7, 1997. Pagkaraan ng dalawang araw ay namatay si Jean-Do dahil sa infection.

Isinalin sa pelikula ang The Diving Bell and The Butterfly noong 2007. Nominated sa Oscars sa cinematography at editing, nanalo sa Cannes Film Festival at Golden Globe Award.

Show comments