ISANG lalaki sa Kansas, USA ang hangang-hanga sa Golden Gate Bridge na nasa San Francisco kaya gumawa siya ng sariling bersyon nito sa kanyang bakuran.
Bagamat kopyang-kopya nito ang Golden Gate Bridge ay masasabing hindi lamang isang simpleng replica ng sikat na tulay ang itinayo ng retiradong kartero na si Larry Richardson. Dahil kasi sa laki na 150 talampakan ay maituturing na isang tunay na tulay ang itinayo ng 62-taong gulang na tagahanga ng Golden Gate Bridge.
Sinimulan ni Larry ang pagtatayo ng sarili niyang Golden Gate Bridge noong 1994. May praktikal din na dahilan sa pagtatayo niya ng replica ng sikat na landmark: mayroon kasing sapa ang kanyang bakuran kaya makakatulong ang pagtatayo ng isang maliit na tulay sa ibabaw nito.
Inabot siya ng 11 taon bago niya natapos ang kanyang tulay. Bukod sa konkreto ay gumamit din siya ng ibang mga materyales na pawang mga recyclable upang makabawas sa gastusin. Hindi naman siya nanghinayang sa lampas isang dekada na kanyang inubos upang matapos ang tulay dahil nagkaroon siya ng pagkakataon na makatrabaho ang kanyang ama na siyang tumulong sa kanya sa paggawa ng sariling Golden Gate Bridge.
Gumastos ng $5,000 (katumbas ng P300,000) si Ri-chard sa kanyang maliit na Golden Gate Bridge. Ngayon ay nagsisimula nang maging tourist attraction ang itina-yong tulay ni Richard para sa mga bumibisita sa Kansas.