ISANG relo na gawa ng kompanyang Patek Philippe ang naibenta sa halagang £15.1 milyon (mahigit P1-bilyon). Dahil dito, ang relo ang pinakamahal na relo sa buong mundo.
Naganap ang bentahan sa isang subastahan na isinagawa sa Geneva, Switzerland. Dinumog ito ng mga mayayaman na kolektor ng mga mamahalin at kakaibang relo. Ang relo ay 80 taon na. Ginawa ito noong 1933.
Ayon sa mga eksperto, walang relo ang makakahigit sa kalidad ng pagkakagawa nito. Hindi ito ginawa sa tulong ng computer at iba pang makabagong teknolohiya.
Dahil sa tanda na ng relo ay hindi nakapagtatakang dumaan na ito sa iba’t ibang may-ari. Ang pinakahuling nagmay-ari ng relo ay isang napakayamang Arabo na binili ito sa halagang £6.92 million (nasa P500 milyon noong 1999.
Sinasabing ipinagbenta ng Arabo ang relo dahil may pagbabayarang utang.