ANG mga magulang kapag nawala sa kanilang paningin ang kanilang mga anak sa pampublikong lugar natataranta, nalilito, parang hilong talilong na hinahanap ang mga ito. Hindi titigil at hindi napapanatag ang kalooban hanggang sa hindi sila nakikita at nakakapiling muli.
Kwento sa amin ni Irene na isang ina, sa oras na lumabas na ng kanilang bahay ang kanyang anak kinakabahan na siya. Sa isang magandang eskwelahan nila napiling pag-aralin ito kahit may kalayuan sa kanilang tahanan. Iba pa rin daw talaga kapag nasa malapit lang, kapag gumagabi na ay maaari niyang puntahan ito upang sunduin.
“Maraming paaralan ang malapit pero hindi kami gaanong tiwala sa kalidad ng edukasyon. Meron namang iba na isang sakay lang mula dito sa ’min subalit napakamahal naman ng tuition fee,” wika ni Irene.
Si Irene ay isa lamang sa mga magulang na gustong mabigyan ng mabuting edukasyon ang kanilang mga anak. Isang ‘ideal community’ na ang lahat ng inyong pangangailangan ay nandun na. Kaya naman naisipan ng mga namamahala ng Property Company of Friends Inc. (Pro-friends) na magtayo ng isang ganitong lugar na hindi mo na kailangang lumayo dahil kompleto na. May simbahan, pamilihan, pasyalan at eskwelahan. Ito ay ang kanilang proyekto sa Cavite, ang Lancaster New City. Hindi na sila gaanong lumalayo sa kanilang lugar. Kahit ang mga anak nila ay kontento sa uri ng komunidad na kanilang kinaroroonan. Ang Pro-friends ay nagtayo ng paaralan sa Lancaster New City. Ito ang St. Edward Integrated School (SEIS), co-managed ng Quality Education Design Company (QED).
Ito ay nagsisilbing kaagapay sa pangangasiwa ng St. Edward Integrated School at sa huli ay gagawa ng sistema ng komunidad ng mga paaralan sa buong Lancaster New City kung saan palalawigin ito mula Imus hanggang Trece Martires City. Tumutulong ang SEIS sa pagpapalawak ng misyon ng QED na makapagbigay ng magandang kalidad ng edukasyon sa murang halaga para sa mga kabataan. Ang paaralang ito ay tumutulong na maitatak sa kaisipan ng kanilang estudyante na maging ‘globally competitive’ na may ‘strong character’—na dalubhasa sa math at science, kumpiyansa sa komunikasyon, may malalim na paggalang at pagpapahalaga sa kultura at sining, pati na rin sa pagiging magiliw sa pagseserbisyo sa pagpapaganda ng bansa.
“Ipinagpapatuloy ng Pro-friends ang misyon nito na makapagbigay ng magandang kalidad ng edukasyong kristiyano sa mga kabataan. Ginagawa namin itong malapit sa aming mga residente sa pamamagitan ng SEIS,” pahayag ni Richard Tay, head ng Pro-friends’ Corporate Communications. Para sa mga bagong homeowners, ang pamilya Navasca ay napalipat sa Lancaster New City dahil sa ‘strategic location’ nito. Madali ding bumiyahe papunta sa opisina niya sa Makati. “Pinapahalagahan din namin ang pera. Maliban sa maginhawang lugar, ito rin ay abot-kaya para sa may malaking espasyo tulad ng sa amin,” sabi ni Almira Navasca.
Ngayong taon lamang lumipat ang pamilya Navasca sa kanilang bagong tahananan at nagsisimula na nilang madiskubre ang masiglang pamumuhay at kagandahan sa nasabing komunidad. Isa sa mga nakakaengganyo sa mga mamimili ang pagkakaroon ng Pro-Care program ng Lancaster New City. Bukas sa lahat ng mga residente doon ang ‘livelihood seminars’ ng Pro-friends. Ang workshop na ito ay kinabibilangan ng paggawa ng mga sabon at ng ilan pang produktong panglinis pati na din ang pagtuturo ng ‘meat processing’. Ito ay upang tulungan ang mga ina ng tahanan na magkaroon ng dagdag pangkabuhayan. “Maganda sa Pro-friends ‘yung sense of community. Kumbaga, walang nagkakailangan dito, halos lahat magkakilala,” sabi ni Almira.
Para naman sa pamilya Dizon malaking bahagi ng pagpili nila ng bibilhing bahay ay ang lokasyon at seguridad nito. Ito ang tinimbang nila bago nila bilhin ang bahay sa Lancaster New City. “Malapit ang lugar na ito sa airport, ito yung pinaka the best dito. Saka maganda yung site niya. Nakikinita mo na pag kompleto, develop na ’to. Kapag pumunta ka sa Maynila mabilis lang ang biyahe,” bahagi ng seaman na si Richard Dizon. Dagdag pa niya hindi daw pupwedeng pumasok sa kanilang lugar basta-basta. Maging ang kanyang asawang si Jenny ay ganun din ang sinabi tungkol sa seguridad sa subdibisyon. “Yung mga guwardiya dito mababait din, disiplinado. Mahigpit man, pabor sa amin,” ayon kay Jenny. Hindi din daw sila nangangamba tuwing gabi na baka may mga masasamang loob ang pumasok sa kanilang lugar. Kumpiyansa sila na alerto palagi ang mga gwardiyang nagbabantay sa kanila. Kung ganito ang seguridad sa lahat ng subdibisyon dito sa Pilipinas mas madadali ang pananatili ng kapayapaan at pati na rin ang trabaho ng ating mga kapulisan. Hindi matatapatan ng pera ang dulot ng ‘peace of mind’ o kapayapaan ng ating pag-iisip. Na kapag tayo’y natutulog ng mahimbing sa gabi o kapag nasa opisina ligtas ang ating pamilya, bahay at ari-arian mula sa masasamang loob na nagkalat sa ating lipunan dala na rin ng pagkalugmok sa kahirapan.
Ugaliing makinig ng programang “CALVENTO FILES” sa radyo “Hustisya Para Sa Lahat” ng DWIZ882 khz (Lunes-Biyernes 2:30-4:00pm at Sabado 11:00am-12nn). (KINALAP NI CHEN SARIGUMBA)
SA MGA BIKTIMA NG KRIMEN o may problemang ligal magpunta lamang sa 5th floor CityState Centre bldg. Shaw Blvd., Pasig City. Maari kayong mag-text sa 09213263166, 09213784392, 09198972854 o tumawag sa 6387285 at 7104038. Maaari din po ninyong i-like ang www.facebook.com/tonycalvento at mag-iwan ng mensahe para sa inyong mga problema.