Anong dapat gawin nating Pilipino
sa mga problemang dumarating dito?
Hindi naman tamang umupo lang tayo
dahil naglaho na ang ating prinsipyo?
Ang prinsipyo natin laging nakataya
sa mga gawaing pawang masasama;
ang ating gobyerno ang takbo’y saliwa
kaya tayo’y tanga at walang magawa!
Sana’y nagbago na ang pamahalaan
upang lahat tayo’y masayang gumalaw;
lahat tayo ngayon ay hawak sa kamay
ng lahat ng tukso at kapahamakan!
Kaya papaanong mayama’t mahirap
sa ating prinsipyo ay mamayagpag?
Gayong lahat tayo’y pawang naghahangad
ng magandang buhay sa prinsipyong huwad.