Manong Wen (84)

I DINIKIT na mabuti ni Jo ang taynga sa dingding para marinig na mabuti ang pinag-uusapan nina Princess at Precious. Tungkol sa isang nagngangalang Chester ang pinag-uusapan nila. Seryoso ang boses ng dalawa habang nag-uusap.

“Paano mo naman nasiguro na minamatyagan ka ni Chester, Precious?”

“Nang mag-recess kami kanina, may napansin akong dalawang lalaki na nakatingin sa akin. Nasa labas sila ng gate. Yung gate ay malapit lang sa aming canteen. Nakikita mula sa gate ang mga kumakain sa canteen. At nang tumingin sa akin ang isa sa mga lalaki, nagbulungan sila. Sa takot ko, sumiksik ako sa ibang estudyante na nakapila para hindi ako makita. Kabang-kaba ako Ate. Tiyak ko, ako ang kanilang pinag-uusapan.’’

“Palagay ko mga alalay ng hayup na si Chester ang dalawang yun. May binabalak sila.’’

“Natatakot ako Ate.’’

“Huwag kang matakot. Narito naman ako. Hindi kita pababayaan. Pinagbubuti ko nga ang pag-aaral ng arnis para pagnakaharap ko ang Chester na iyon, babaliin ko ang braso niya sa hataw ng arnis.’’

“Ate, walang magagawa ang arnis sa baril. Tiyak may mga baril ang mga iyon. Mabuti yata magsumbong na tayo sa mga pulis.”

“Anong isusumbong mo? Baka pagtawanan ka lamang ng Chester na ‘yun. Baka tayo pa ang ireklamo. Basta paghahandaan ko siya. Lagi akong nag-eensayo ng arnis.’’

“Kung baril kaya ang pag-aralan mo Ate?”

“Wala naman ta­yong baril. At saka ba­wal yun.’’

“May phobia na ako Ate. Ka­pag may­ nakita akong mga lalaki na nakatingin sa akin, suspetsa ko si Chester.’’

“Basta huwag kang mag-iisa kapag nasa school. Baka makalingat ka ay bigla kang dagitin.’’

“Ate subukan mo kayang tawagan si Mang Jo. Sabihin na natin ang problema kay Chester.”

Nag-isip si Princess.

“Ayoko! Huwag na ta­yong humingi ng tulong sa kanya. Baka mayroon na siyang pamilya na pinagkakaabalahan ngayon.’’

“Gusto ko sana narito siya, Ate.”

“E wala nga siya. Paanong gagawin ko?”

Maiiyak si Precious.

(Itutuloy)

 

Show comments