Iba’t ibang kalamidad

Maraming nangyaring mga kalamidad

at resulta nito bansa’y nagsasalat;

palaging narito ang hanging habagat

na ang dala-dala ay libong pahirap!

 

Sa mga lansanga’y daming nangamatay

nasawi sa bus ang iba’y sa holdap;

ang mga kriminal hindi kumukupas

sa hangad kumita mabilis at agad!

 

Nakapagtataka na maraming pulis

hindi naman lahat – ang misyon ay panis;

opisyal at hindi’y kaiba ang nais

sa hawak na baril ay nagmamalabis!

 

Ang mga tahana’y inaakyat-bahay

ng mga kriminal sa hangad magnakaw;

kung hindi makuha pera sa tahanan

ang mga babae ay inaabuso saka pinapatay

Show comments