Solusyon ang kailangan, hindi bangayan

Halos araw-araw na lang lalu na noong nakaraang  linggo dumanas ng matinding kalbaryo ang marami nating mga kababayan dahil sa matinding pagbaha at matinding trapik sa lansangan.

Halos tuwing hapon kasi bumubuhos ang malakas na pag-ulan na nasasabay sa uwian ng mga nagtatrabaho at mga mag-aaral.

Pero, halos delubyo na talaga ang nangyayari ngayon sa mga pangunahing lansangan ng Metro Manila, kahit pa sabihing walang pag-ulan.

Lalo pang delubyo kung sasabay pa nga ang pag-ulan.

Kung noon ay napagtitiisan ang trapik, pero ang trapik at pagbahang nararanasan sa ngayon ay masasabing aba’y matindi na. Ano na ang nangyari?

Ang ipinaghihimutok pa nga ng ating mga kababayan eh, bakit walang makitang  ginagawang paraan ukol dito ang pamahalaan.

Maingay sa ibat-ibang isyu, pero ang ganitong pangangailangan ng maraming mamamayan eh mukhang hindi natututukan.

Tila busy sa isyu ng pulitika na may kinalaman sa nalalapit na eleksyon, hindi ang atupagin muna ay ang ganitong problema ngayon ng mamamayan. Ang problema sa lansangan.

Sa mabilisang pagbaha, sino ba ang dapat tumutok dito?

Sino ba ang in-charge para maisaayos ang drainage system sa mga lansangan, para hindi konting ulan baha. Hindi pa agad-agad humuhupa, na marahil ay kung hindi barado, maliit ang dinadaluyan ng tubig.

Sa nangyayari ngayon, mukhang nagtuturuan pa ang MMDA at DPWH kung sino ang dapat managot.

Abay , huwag na kayong magbangayan, solusyon ang kailangan ng taumbayan.  

 

Show comments