LULUSUBIN ng gambling lords ang opisina ni DILG Sec. Mar Roxas bukas. Sinabi ng mga kosa ko na hindi magpoprotesta ang gambling lords at lalong hindi sila mangangako ng suporta kay Roxas sa 2016 elections. Imbes, ang gambling lords ay makipag-meeting sa mga opisyales ng Office of Internal Security (OIS) ng DILG dahil pinatawag sila. Nanggugulo kasi ng tabakuhan, hindi lang ang OIS kundi maging ang Special Projects Division (SPD) ng DILG, at maraming tong collectors ang nakikisali sa kasikatan nila. Ang ibig sabihin ng mga kosa ko, nag-aagawan sa ngayon ang tong collectors, na nagpapakilalang sila ang may mando ng OIS at SPD, sa pag-iikot sa gambling lords. At sa meeting bukas sa OIS ng DILG, sasabihin na kung sino ang napili ni Roxas ang may tangga para sa DILG. Get’s n’yo mga kosa? Boom panes! Hehehe! Nais magtago sa saya ni Lola Basyang ang taga-OIS at SPD. Subalit sa panahon sa ngayon na ang tao ay nakarating na sa Mars at may makabagong gadgets, wala nang maitatago pa. Mismo!
Ang ilan sa naimbitahan ng OIS at SPD ay sina Aling Tessie, Fernan, Jessica, Egay at Emily, financiers ng pergalan sa Calabarzon area. Si Jessica ay may pergalan sa Salitran sa Dasmariñas; si Egay sa EPZA sa Rosario at sa harap ng Meralco building sa Bacoor; kay Fernan ang sa harap ng Puregold sa Imus at kay Aling Tessie sa Bgy. Amaya sa Tanza, lahat ’yan ay sa Cavite. Kasama rin dyan sina alyas Alex ang poste ng pergalan sa Pinatubo St., at ang counterpart n’ya na si Joel sa West Point St., naman lahat sa Cubao, Quezon City. Siyempre, hindi nalalayo na sisipot din sina SPO2 Gener “Paknoy” Fresnedi, ang bangka ng malawakang racehorse bookies sa Maynila, at mga video karera operators na mag-asawang Romy at Gina Gutierrez ng Maynila, SPO1 Roger “Sacho” Esteban ng Caloocan City at Buboy Go ng Malabon City. Hehehe! Baka mapuno ang espasyo ko dahil sa sobrang dami ng inimbitahan ng OIS at SPD ah. T’yak ‘yun!
Kaya lang, dapat maniguro ang gambling lords dahil maaring makorner sila ni Roxas sa opisina ng OIS at SPD, di ba mga kosa? Kapag nagkataon, kakaladkarin sila ni Roxas at ipipresenta sa media at tiyak aani ito ng pogi points at tataas ang survey rating niya. Halos lahat na ng paraan, tulad ng pagbuhat ng isang sakong bigas at bawang, ang pag-martilyo ng upuan sa silid aralan, ang pagsakay sa pedicab at pagtrapik sa kalsada kahit umuulan, ay ginawa ni Roxas subalit hindi natinag ang survey rating niya. Baka sa pag-aresto ng gambling lords eh bubulusok pataas ang rating n’ya, di ba mga kosa? At ‘yan ay sa expense ng gambling lords na inimbitahan ng OIS at SPD. Hehehe! Kanya-kanyang pakulo lang ‘yan, di ba mga kosa? Tumpak!
At puwede ding videohan ng mga kalaban ni Roxas sa pulitika ang meeting ng OIS at SPD sa gambling lords at gamitin ito para tuluyan nang wasakin ang ambition niyang maging presidente ng bansa. Hamakin mo, ipinangalandakan ni Roxas ang lifestyle check sa opisyales ng PNP samantalang meron din pala siyang uling sa mukha. Wasak ang Mr. Clean image n’ya! Boom panes! Ingat-ingat din pag may time, mga kosa. Abangan!