10 Istorya ng ‘True Love’

(Note: Ang nalathalang kuwento kahapon ay may subtitle dapat na True Love na Walang “Ganap”. Ika-3 ito

sa 10 Istorya ng True Love.)

4. Ang Lovelife na Biktima ng Pulitika

Tatlong araw pa lang naikakasal sina Anna Kozlov at Boris ngu-   nit tinawag na ang huli para magsilbi sa Soviet Army. Kung mag-iimbento tayo ng kanilang usapan, higit-kumulang ay ganito siguro:

“Mahal, paano ba ‘yan, bitin ang honeymoon natin. Ituloy na lang natin sa aking pagbabalik.”

Kinurot ni Anna ang kanyang kabiyak. Siyempre, kakakasal pa lang. Mahiyain pa ang mga babae kapag honeymoon ang pinag-uusapan. “Lagi akong maghihintay sa iyo, mahal.”

Nang panahong iyon ay nasa ilalim ng pamumuno ni Joseph Stalin ang Russia. Si Boris ay supporter ni Stalin ngunit ang tatay ni Anna ay kilalang kontra sa komunismo. Pagkaalis ni Boris, pinalayas ng gobyerno ang pamilya ni Anna sa kanilang hometown sa Borovlyanka, Siberia at ipinatapon sa pinakaliblib na lugar ng Siberia. Hindi binigyan ng pagkakataon si Anna na masulatan si Boris para sabihin kung nasaan sila. Pinagbawalan din silang makabalik sa kanilang bayan.

Natural walang Anna na nadatnan si Boris nang bumalik ito sa Borovlyanka.

Walang makapagsabi kung nasaan ang mag-anak ni Anna.  Matagal din siyang naghanap. Ngunit nang magtagal ay muli itong nag-asawa. Sa liblib na lugar ng Siberia, nagtangkang magpakamatay si Anna sa sobrang kalungkutan at kawalang pag-asa na magkikita pa sila ni Boris. Upang makalimot si Anna, sinira ng mga magulang nito ang lahat ng bagay, na makapagpapaalala kay Boris, kasama na ang kanilang wedding picture. Dumating ang panahon na nag-asawang muli si Anna.

Pagkaraan ng maraming taon, namatay ang diktador na si Stalin, at malaya nang nakabalik si Anna sa Borovlyanka. Biyuda na siya  at matanda na. Habang binabagtas niya ang kalye patungo sa dating kinatatayuan ng kanilang bahay, napansin niya ang isang matandang lalaki na naglalakad din. Napatitig siya. Makulimlim ang panahon noon pero tila ba nagliwanag ang lahat nang makilala ito niAnna.

“Borris…”

Napangiti ang lalaki. “Ang boses mo, hindi pa rin nagbabago…Anna.”

Lumuluhang nagyakap ang dalawa. Biyudo na rin si Borris at 82 years old na. Walang inaksayang oras ang dalawa at muling nagpakasal. Sa wakas, natuloy din ang nabitin na honeymoon.

Show comments