Manong Wen (55 )

“BILISAN mo po ang pagpapatakbo, Manong!” sabi ni Princess sa traysikel drayber. “Mayroon pong sumusunod sa akin!”

Pinaharurot ng drayber ang traysikel.

Nang makalayo sa lugar ay nakahinga si Princess. Itinago niya ang lanseta sa bag.

Sinulyapan niya ang drayber. Nakatingin ito sa tinatakbuhan nila. Mabilis pa rin ang pagpapatakbo. Malaki ang utang na loob niya sa drayber. Kung hindi ito dumating baka inabutan siya ng sumusunod sa kanya at kung ano ang ginawa sa kanya.

Hanggang sa sumapit sila sa kanto na binababaan ni Princess. Hindi na makaka­pasok ang traysikel paloob dahil sikip ang daan.

Nagbayad siya.

“Salamat po Manong.’’

Ngumiti lamang ang drayber. Hindi niya gaanong makita ang mukha dahil natatakpan ng sombrero.

Umalis na ang traysikel. Ma­bilis na naglakad si Princess.

Nang nakaka­ilang hakbang siya ay nilingon ang pinanggali­ngan. Nagtaka siya kung bakit wala na ang traysikel. Napakabilis namang magpatakbo at hindi na niya matanaw. Hindi kaya guardian­ angel­ niya ang drayber ng traysikel?

Nang matanaw niya ang kanilang bahay at nagtatakbo na siya. Nang makarating sa gate ay agad binuksan. Isinara. Kinatok ang pinto ng bahay.

“Precious! Precious! Buksan mo ito dali!”

Pero walang sagot mula sa loob ng bahay.

“Precious! Precious!’’

Wala pa ring nagbubukas ng pinto. Baka nakatulog si Precious!

Kinabahan si Princess. Baka nasundan siya ng anino. Baka pasukin sila rito.

“Precious! Precious!”

Walang sagot.

(Itutuloy)                                                                                                                                       

Show comments