‘Humorous Side’ ng mga Presidente

(Part II)

George Washington:

Dalawang termino ang ipinagsilbi niya bilang US President. Sa sobrang hilig sa ice cream, nagpagawa siya ng sariling ice cream maker  para makagawa siya ng ice cream anumang oras ang gustuhin niya. Noong naging presidente at kailangang lumipat sa White House, bitbit pa rin niya ang kanyang ice cream maker.

Thomas Jefferson:

Siya ang naging 3rd US President. Itinuturing niyang “babies” ang dalawang baby bear kaya ipinapasyal niya ito sa paligid ng White House tuwing umaga.

William Henry Harrison:

Siya ang 9th US President at kaisa-isang naging presidente na nag-aral ng kursong medisina. Siya ang may pinakamahabang inaugural speech. Tumagal ito ng 105 minutes. Sa sobrang haba, inabot siya ng ulan at nabasa. Nagkaroon siya ng pneumonia at namatay pagkaraan ng 32 araw. Kung siya ang may pinakamahabang speech, pero may pinakamaikling termino bilang presidente.

Zachary Taylor:

Siya ay nagsilbing sundalo sa mahabang panahon kaya wala siyang permanenteng address na kailangan upang maging botante. Mga 62 years old na siya nang makaranas bumoto. Nang tumakbo siyang presidente, hindi siya nagkaroon ng pagkakataong iboto ang kanyang sarili.

James Buchanan:

Ang 15th US President. Minsan, sa sobrang dami ng alalay na bitbit ng Prinsipe ng England, napuno ng bisita ang White House. Sa hallway na lang natulog si  Buchanan.

James Garfield:

Siya ang 20th US President. Inaaliw niya ang mga bisita sa pamamagitan ng pagsulat nang sabay na gumagalaw ang dalawang kamay. Ang kanan ay Greek ang sinusulat samantalang ang kaliwa ay Latin.

Show comments