Pabakunahan ang mga bata laban sa tigdas

HUWAG maging biktima ng tigdas. Mula Enero hanggang Hulyo ngayong taon, mayroong 44,666 kaso ng tigdas at 91 bata na ang namatay.

Mga Nanay, kulang ang 1 bakuna laban sa tigdas. Kailangan ay least dalawang  bakuna para ligtas ang anak ninyo. Kung mahal n’yo ang inyong anak, pabakunahan siya laban sa tigdas.

Kaya ang payo ng DOH: Pabakunahan ulit ang mga bata. Ngayong September 1-30, 2014, dalhin ang mga anak edad 5 pababa sa health centers. Kung lampas edad 5, puwede pa ring pabakunahan kung may sobrang bakuna sa health centers. Puwede rin sa private clinics magpabakuna ang mga teenagers na.

Ano ang tigdas?

Ang tigdas ay isang nakakahawang sakit ng mga bata at teenagers. Ang sintomas ng tigdas ay lagnat, sipon, ubo at kakaibang rashes sa buong katawan. Pagkatapos, lalabas ang makapal na rashes mula sa mukha pababa sa buong katawan. Pagkalipas ng 4 hanggang 5 araw, mawawala na ang rashes at ang lagnat.

Kumplikasyon ng tigdas: Posibleng magkaroon ng impeksyon sa tainga, pulmonya at puwedeng makamatay din.

Paano nakakahawa ang tigdas? Ang virus ng tigdas ay maaaring maipasa ng batang maysakit sa ibang bata sa pamamagitan ng pag-ubo o pagbahing. Maghihintay muna ng 8-12 araw bago lalabas ang mga sintomas ng tigdas. Kailangang maihiwalay ang mga batang may tigdas.

Gamutan sa tigdas:

1. Mahabang pahinga at pagtulog.

2. Kapag may mataas na lagnat, puwedeng punasan ang bata ng maligamgam na tubig at gamit ang bimpo.

3. Painumin ng maraming tubig o juices.

4. Kapag may ubo at plema, binibigyan ng doktor ng antibiotic at gamot sa ubo.
Tandaan: Pabakunahan ang lahat ng mga bata. Iligtas Ang Pinas Sa Tigdas!

Show comments