ISA ang Mindanao sa mga dinadayo ng mga turista dahil sa mga magagandang lugar na maipagmamalaki. Pero hindi lamang ito ang dahilan kung bakit ito binabalikan. Sa Mindanao din makikita ang mga naggagandahan at matatalinong Filipina.
Taong 2012 nang makatapos sa kursong Civil Engineering si Gladys Comandao. Bilang inhenyero, inaasahang gagawa ito ng karera sa ‘construction industry’. Pero dahil sa pagkakaron ng talento sa pag nenegosyo, hindi ito nagdalawang isip na piliin ang huli. Aminadong mapusok ang 23 taong gulang na si Gladys. Mahilig sa mga pagsubok at walang takot sa pagtahak ng mga bagong bagay. Dahil dito, nang may dumating na oportunidad na maging isang Beauty Queen, sa pamamagitan ng Miss Casino Filipino beauty pageant ay hindi na sya nagdalawang isip na sumali dito.
“Para sa akin ang pagpasok sa isang business at pagsali sa Miss Casino Filipino contest ay hindi nagkakalayo. Hindi mo alam kung ano ang magiging resulta, pero manalo man o matalo masaya kang uuwi ang mahalaga ginawa mo kung ano ang gusto mo,” paliwanag nito.
Si Gladys ay nagpapatakbo ng sarili nitong salon sa Davao. Maraming pinto ng oportunidad ang bumukas para sa batang negosyante nang itanghal ito bilang biggest winner sa qualifying round ng Miss Casino Filipino 2014 sa Davao City noong ika-2 ng Agosto kung saan nakatanggap ito ng P15,000. Hindi lamang siya itinanghal bilang isa sa tatlong kakatawan sa Casino Filipino Davao sa grand finals dahil nakuha rin nito ang titulo ng Best in Playsuit at Best in Long Gown kung saan nakatanggap siya ng P5,000 bilang gantimpala sa bawat titulo. Sa kabuuan nakatanggap ito ng P25,000.
“Hindi ko inaasahan na mananalo ako dahil lahat ng mga kalahok ay magaganda at talentado. Ginawa ko lang ang lahat ng makakaya ko, inenjoy ang kompetisyon, at hiningi ang gabay ng maykapal. Masaya ako at isang karangalan para sa akin ang i-representa ang Casino Filipino Davao sa Grand Finals,” masayang wika nito.
Isa siya sa magdadala ng bandera ng Casino Filipino Davao kasama ang mga kapwa finalist nitong sila Darlene Paulo Dichoso at Mary Grace Castillo. Ang finals night ay gaganapin sa ika-19 ng Setyembre 2014 sa ‘Midas Hotel and Casino’ sa Pasay City.
Si Dichoso at Castillo ay parehong tumanggap ng P15,000. Si Dichoso na nasa ikalawang taon sa kolehiyo at kumukuha ng kursong Architecture sa University of Mindanao ay aminadong maraming beses nang sumali sa iba’t ibang beauty contest. Pero para sa kanya naiiba ang Miss Casino Filipino dahil matutulungan siya nito sa kanyang adbokasiya na palakasin ang mga kabataan sa pamamagitan ng edukasyon.
Samantala, si Castillo na 18 taong gulang, ay nagbiyahe pa mula Butuan City upang makasali sa patimpalak. Siya ay kumukuha ng kursong Tourism sa Father Saturnino Urios University. Laking pasasalamat nito na nakita nito ang advertisement ng Miss Casino Filipino 2014 sa internet.
Ayon sa kanya, kapag nakuha niya ang titulo ng Miss Casino Filipino 2014, pinapangako nito na tutulong ito na mabawasan ang bilang ng mga kabataang nalululong sa pinagbabawal na gamot sa pamamagitan ng pag engganyo sa mga ito na ilaan ang oras sa sports.
“Ang mga kabataan ay madaling matukso ng bawal na gamot at isa sa mga paraan upang mailayo sila dito ay bigyan sila ng mga gawaing kapaki-pakinabang tulad ng athletic activities. Sa ganitong paraan, hindi lang natin sila tuturuan na mabuhay nang malusog at matiwasay. kundi pati na rin ang pagbawas sa mga krimen mula sa mga kabataan,” pagpapaliwanag nito.
Ang PAGCOR Director, Enriquito Nuguid na isa sa tatlong hurado sa qualifying round sa Davao ay nahirapan sa pagta-tally ng score ng 12 na kandidata na napili mula sa 45 na nagpakita noong screening.
“Lahat ng kalahok ay nagtataglay ng katangian ng magiging sususnod na Miss Casino Filipino ngunit tatlo lamang ang pwedeng piliin upang katawanin ang CF Davao sa grand finals. Ano pa man ang mangyari, kami ay masaya sa aming mga napiling nanalo. Tiyak na kaya nilang makipagsabayan sa mga nagwagi mula sa iba pang sangay,” positibong wika nito.
Ang patimpalak na Miss Casino Filipino 2014 ay magbibigay ng P500,000 cash para sa grand winner; P40,000 para sa first runner-up; P300,000 para sa second runner-up, P200,000 para sa third runner-up at P100,000 para sa 4th runner-up.
Magkakaroon din sila ng pagkakataon na magkaroon ng bahagi sa mga palabas ng Casino Filipino. Samantala, ang makakakuha naman ng titulo na Ms. Casino Filipino 2014 ay magkakaroon ng pagkakataong pumili ng isang charitable institution na makatatanggap ng donasyon na nagkakahalagang P200,000 mula sa PAGCOR. (KINALAP NI I-GIE MALIXI) SA MGA BIKTIMA NG KRIMEN o may problemang ligal magpunta sa 5th floor CityState Centre bldg. Shaw Blvd., Pasig. O magtext sa 09213263166, 09213784392, 09198972854. Landline 6387285 / 7104038. Magdala lang kayo ng mga dokumentong may kinalaman sa inyong reklamo. O mag message sa www.facebook.com/tonycalvento.
Ugaliing makinig ng CALVENTO FILES sa radyo, ang “Hustisya Para Sa Lahat”. Lunes-Biyernes 2:30PM-4:00PM at Sabado 11:00AM-12:00NN. Sa DWIZ 882 KHZ AM BAND.
Makinig rin kayo ng programang “PARI KO” tuwing Linggo sa DWIZ 882 KHZ. Mula 9:30-10:30PM kasama sina Fr. Jojo Buenafe, Fr. Jason Laguerta at Fr. Lucky Acuna. Sa mga taong may problemang medikal, walang kakayahang magpagamot maari din kayong lumapit sa tanggapan ng “PUSONG PINOY”, sa parehong address: 5th Floor City State Centre Bldg. Shaw Blvd. Pasig City, Lunes hanggang Biyernes 9:00 ng umaga. Huwag niyo kalimutang magdala ng photocopy ng inyong ‘Updated Medical Abstract’. Mapapakinggan ang programang “PUSONG PINOY” tuwing Sabado mula 7:00-8:00 ng umaga. Sa DWIZ 882KHZ, AM BAND.