1. Upang hindi sumobra sa calories ang iyong kakainin, kumain ng karne o isdang kasinlaki ng iyong palad. Kung cake o pastries ang kakainin, ang tamang size ay kasinglaki ng hinlalaki.
2. Kung napapansin mong lumulutong na ang iyong kuko dahil laging napuputol, ito ay isang sintomas ng hypothyroidism o hyperthyroidism. Magpa-check kaagad sa doktor.
3. Dahan-dahang imasahe ang mga daliri sa iyong noo patungo sa tuktok at pababa sa batok. Ulitin ang pagmasahe ng sampung beses araw-araw. Ang ganitong teknik ay nagpapalusog at nagpapakapal ng buhok.
4. Hugasan ang kamay ng sabon at tubig pagkatapos gumamit ng toilet, bago at pagkatapos kumain, at sa tuwing ito ay marurumihan. Ang kamay na malinis, iiiwas ka sa sakit.
5. Alagaan ang kamay. May mga taong tumitingin sa kamay para hulaan ang edad ng isang tao. Pahiran lagi ng moisturizer upang hindi ito magmukhang kamay ng matanda.
6. Nasusuka kapag nagbibiyahe? Gamit ang daliri, pindutin ang pulso (3 daliri ang distansiya mula sa ilalim ng palad) upang mawala ang pangangasim ng sikmura.
7. Ang nanlalamig na kamay at paa, na may kasamang panlulugon ng buhok, at memory loss, ay palatandaan ng hypothyroidism.
8. Kung ang panlalamig ng kamay at paa, ay may kasamang pamamanhid, ito ay palatandaan ng kakulangan sa vitamin B12.
9. Kung ang panlalamig, ay may kasabay na sakit at biglaang pamumutla ng daliri sa kamay at paa, ito ay indikasyon ng mas malala pang problema na nangangailangan ng agarang pagbisita sa doktor.