Ang lahat nang tao sa buong daigdig
kanya-kanyang bisyo, kanya-kanyang nais;
mayro’ng mga taong sa katawa’y kapit -
sila’y makalamang kahit sa kapatid!
Ito ay nangyari kay Cain at Abel
salbahe si Cain si Abel mabait;
pinatay ni Cain ang kanyang kapatid
dahilan sa selos sa amang tangkilik!
Ugali ni Cain minana nang lahat
kaya lahi’t bansa ay magkakatulad
may bansang inggitin sa bansang banayad
kaya didigmain dahilan sa dagat!
Masyadong maganda itong ating bansa
at sabi ni Rizal: “Pag-asa ng Bayan”;
may bansang malaki at saka mayaman
ginustong makuha kahit dagat lamang!