Paano i-‘restart’ ang utak?

ISANG Facebook friend ang nag-post ng ganitong katanu­ngan sa kanyang timeline: Paano i-restart ang utak na nagha-“hang”? Inihalintulad ang kanyang utak sa computer na kapag sobra na ang gamit ay nakakaranas ng computer hang. Kahit anong pindot ay naka-freeze ang system. Marahil ay dinaan lang niya sa biro pero ang totoo, pagod na pagod na siya sa kanyang pagtatrabaho na sinasabayan ng pag-aaral. Seriously, narito ang dapat gawin para manatiling masigla ang utak at maiwasan ang “brain hang”.

Kumain araw-araw ng alinman sa mga sumusunod — almond, sunflower seeds, walnuts. Ang dami ay yung kayang sahurin ng iyong isang palad.

Uminom ng fresh apple juice.

Siguraduhing mahimbing ang iyong tulog. Bago matulog, alisin sa paligid ng bedroom ang maaaring makaabala sa iyong pagtulog.

Pagbigyan paminsan-minsan ang sarili na gawin ang mga bagay na nagbibigay kasiyahan — panonood ng sine, shopping, gardening, pagbibisikleta, pagluluto.

Pag-eehersisyo ng utak—paglalaro ng scrabble, pagsagot sa cross word puzzle, mag-aral ng foreign language o bagong skill.

Mag-yoga o meditation.

Light meal lang ang kainin sa gabi o hapunan.

Mag-imagine ng mga bagay na nagbibigay ng tuwa. Halimbawa: Masasarap na pagkaing hindi mo pa natitikman. Ang ideya dito ay hindi para gutumin ka kundi para mapraktis ang iyong five senses gamit ang “imagination”.

Sex

Palakasin ang pagkontrol sa silakbo ng damdamin. Isa sa nagpapahina ng kontrol ng emosyon ay ang pagkain ng produkto mula sa bleached flour. May inilalagay na chemical sa harina para pumuti ito at bilang “flour improver” o pampaalsa. Kaya may bleached or unbleached flour sa pamilihan. Umiwas sa white bread at pagkaing gumagamit ng maraming starch.

Uminom ng vitamin B complex at fresh foods na mayaman sa vitamin B complex.

Kumain ng brain foods kagaya ng salmon, avocado at dark chocolate.

Show comments