7. Dark Circle sa Mata: Paghaluin hanggang sa lumapot na parang “paste” ang mga sumusunod—dalawang pirasong hinog at malambot na kamatis. Tadtarin ng kutsilyo at durugin ng tinidor + 1 kutsarang lemon juice + isang kurot ng harina + isang kurot turmeric powder. Kapag mukha na itong paste, ipahid sa paligid ng mata. Hayaan lang ito ng 10-20 minutes. Banlawan ng tubig. Gawin 3 beses isang linggo
8. Sore Throat: Mag-gargle ng sumusunod na mixture—kalahating tasa ng maligamgam na tubig + kalahating kutsaritang asin + one-fourth kutsaritang turmeric powder. Pagkatapos mag-gargle, kalahating oras na hindi kakain o iinom upang bigyan ng oras na mapatay ng turmeric-salt mixture ang bacteria sa iyong lalamunan at bibig.
9. Pantanggal ng Hangover: I-blender ang mga sumusunod—Malamig na gatas (evap or fresh) + lacatan + honey.
10. Heartburn: Ngumuya ng sugarless chewing gum.
11. Nagngangalit na Ngipin (grinding teeth): Alinman sa mga sumusunod ang makakatulong:
a) Kadalasan sa gabi, habang natutulog, saka sumusumpong ang pagngangalit ng ngipin. Stress at pagod ang kadalasang dahilan ng sakit na ito. Ang warm bath bago matulog ay makakatulong para marelaks ang jaw at mouth muscle.
b) Araw-araw itong gawin—Basain ng hot water ang 2 pirasong kamiseta o kaya bimpo. Pigaing mabuti upang hindi tumulo ang excess water. Idampi ang dalawang mainit-init na bimpo sa magkabilang panga sa pamamagitan ng iyong tig-isang kamay. Hayaang nakadikit ang bimpo habang mainit ito. Gawin ito sa araw at bago matulog sa gabi.
c) Uminom ng mainit na chamomile tea na hinaluan ng lemon/calamansi juice at honey 2 oras bago matulog sa gabi. Nagpapakalma ito at nagpapahimbing ng tulog.