Narito ang iba’t ibang kuwento ng Hollywood celebrities tungkol sa kakunatan nila sa pagbibigay ng tip:
Madonna: Si Madonna at entourage niya ay umukopa ng 28 rooms sa The Bryant Hotel sa New York. Halos maluka-luka ang buong staff sa dami ng requests at demands ng grupo. Pero sa bandang huli, wala man lang tip na natanggap ang staff ng hotel. Kilalang-kilala si Madonna ng mga waiters ng iba’t ibang bars and restaurant na makunat. Hindi uso sa kanya ang pagbibigay ng tip.
Kirsten Dunst: Sumikat siya bilang kapareha ni Tobey Maguire sa 2002 Sam Raimi’s Spider-Man. Kung si Madonna ay makunat, si Kirsten ay bato. Minsan ay kumain siya sa isang mamahaling restaurant sa Hollywood. Siyempre, sikat na artista, natuwa ang manager kaya hindi na pinabayaran ang kanyang kinain. Umalis siya na hindi man lang nagbigay ng tip sa waiter na abalang-abala sa pagsisilbi sa kanya.
Barbra Streisand: Isang grupo silang kumain sa isang sikat na restaurant sa New York City. Ang total bill nila ay $457. Pagkatapos ng walang katapusang demands at pagiging “rude” nito sa staff ng restaurant, nag-iwan siya ng $10 tip. Mga 2% lang ito ng kanilang pinagbayaran. Ang “appropriate” tip ay10 percent ng total bill.
Bill Cosby: Nag-tip ito ng $3 matapos kumain ng nagkakahalaga ng $375 dinner. Hindi pa umabot sa 1% ang kanyang tip.