Mataas na presyo

Dahil sa paglobo presyo ng bilihin

ang ating publiko nahihilo mandin;

ang ating gobyerno di alam gagawin

halos buong bansa’y wala nang makain!

 

Ang lagay na ito’y hindi maresolba

ng mga opisyal nitong ating bansa;

ang trabaho nila’y parang balewala

nakapagtatakang sila ay sagana!

 

Mga anomalya ay nagsusulputan

kilos nang marami ay waring palaban;

at ang gulo nila sa mga lansangan

nagpapalubha pa sa lagay ng bayan!

 

Iba’t ibang sektor  nitong Pilipinas

wala ring magawa sa dating nang malas;

kumikilos na rin taong mararahas

kaya sa militar daming nalalagas!

Show comments