Walang pork barrel

Sa TV at radyo, mga pahayagan

Doo’y sinasabing ‘pork barrel’ iniwan;

Wala na sa  budget ng pamahalaan

Pagka’t ito’y bawal at unconstitutional!

 

Kung ito’y totoo -- salamat sa Diyos

Wala nang matakaw at mga salot;

Mawawala na rin sa ating sinukob

Doon sa Kongreso ang mga kurakot!

 

At saka sa ating magiging halalan

Tiyak ang candidates ay mababawasan;

Dahil sa wala na silang aasahan

Na malaking pera sa ating Batasan!

 

At itong party list na hindi effective

Sana’y wala na rin sa ating pangmasid;

Isusweldo nila ay dapat matipid

At ilaan na lang sa ‘ting public service!

 

Show comments