Perlas ng Silangan

Perlas ng Silangan itong ating bansa

Kaya ang dayuhan di dapat masama;

Kayamanan namin kung hangad masira

Maging mahinahon mga pagnanasa!

 

Kung magsamantala layunin ng dayo

Ehemplo ni Rizal bibigo sa inyo;

Marami pang Rizal saka Bonifacio

Dito’y mabubuhay na kalaban ninyo!

 

Sa dulong silangan ay biglang sumulpot

Bansang Pilipinas na bigay ng Diyos;

Ang diwa ni Rizal ang siyang panagot

Sa mga dayuhan na mambubusabos!

 

Tayong mga Pinoy ay hindi papayag

Na maging alipin sa lahat nang oras;

Bata at matandang dito’y inianak

Sa abot ng kaya ay makikitalad!

Show comments