MALAPIT na bang magwakas ang araw ng mga GSM (Galing Sa Magnanakaw) na mobile phone/smartphone?
Napaulat nitong linggong ito na pinaplano na rin ng Google at Microsoft na sumama sa Apple sa paglalagay ng “Kill Switch†program sa operating system ng kanilang mga produktong smartphone.
Ang plano ay kabilang umano sa kanilang pakikipagÂkasunduan sa mga mayor at pulisya sa Amerika para masugpo ang talamak na nakawan sa mga smartphone. Wala pang ibinigay na detalye sa “Kill Switch†program na iyan pero, kahit sa Amerika binuo ang plano na iyan, sana at hindi rin malayong mangyari na makarating din iyan sa ibang mga bansa tulad sa Pilipinas na laganap din ang nakawan sa smartphone.
Binabanggit lang sa ulat na idadagdag ng Google Android at ng Microsoft Windors Phone sa kanilang mga produkto ang “Kill Switch†program na iyan para ma-deactivate agad ng sino man ang kanyang smartphone sa oras na manakaw ito. Makakasama na sa susunod na version ng Android ang isang factory reset protection solution para masawata ang nakawan sa smartphone. Gumawa na rin ng ganitong feature sa kanilang smartphone ang Apple noong nakaraang taon.
Lumitaw umano sa pag-aaral na nagiging epektibo laban sa nakawan ang “Kill Switch†program na iyan makaraang magkaroon ng “activation lock†ang mga smartphone ng Apple. Sa unang limang buwan ng taong 2014, bumaba nang 17 porsiyento ang bilang ng ninanakaw na mga device ng Apple. Tumaas naman nang 51 porsiyento ang bilang ng nananakaw na mga smartphone na Samsung sa kahalintulad na panahon noong nakaraang taon. Sa loob ng anim na buwan makaraang gamitin ng Apple ang “Kill Switchâ€, bumaba nang 24 porsiyento ang nakawan sa iPhone sa London habang ang nakawan sa San Francisco ay bumaba nang 38 porsiyento. Tumaas naman ang bilang ng kaso ng ninanakaw na mga produkto ng ibang kompanya ng mga smartphone.