KATULAD ng iba pang kalahok ng 2nd National PhotoÂgraphy Competition ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR), nasasabik ding makita ni Amer Amor kung paano lumutang ang kanyang kuha mula sa mga libu-libong nagsumite at lumahok sa timpalak na ito. Sa kasamaang palad, si Amor na 31 taong gulang at Journalism instructor ng University of the Philippines sa Baguio ay hindi man lang nagkaroon ng pagkakataong masaksihan kung paano nakapasok sa grand finals ang kanyang ipinanlaban. Matutuwa sana itong malaman na ang kanyang kuha ay isa sa mga big winners ng kompetisyon. Humakot ito ng 4,500 likes sa Facebook page ng PAGCOR at nanalo ng “Most Popular Photo†sa Mobile Category. Si Amor ay binawian ng buhay sa isang aksidente sa motorsiklo noong May 15 habang nagbabakasyon sa Donsol, Sorsogon. Siya ay isa sa labin-dalawang grand winners sa nasabing kategorya. Ang parangal ay tinanggap ng kanyang ina na si Sylvia at ng kanyang kapatid na si Rasyl sa awarding rites noong June 6, 2014 sa Airport Casino Filipino sa Parañaque City. Bilang grand prize winner, si Amor ay nakatanggap ng kabuuang halaga na P35, 000 at tropeo (P30,000 bilang Grand winner at P5,000 para sa Most Popular Photo sa Mobile Category)
“Wala kaming malay na sumali ang aking kapatid sa kumpetisyon na ito. Nagluluksa kami nang aming matanggap ang mensahe galing sa PAGCOR na si Amer ay grand finalist. Nagpapasalamat kami sa PAGCOR sa pagkilala nila sa talento ng aking kapatid. Maski sa kanyang pagpanaw naghatid pa rin siya ng karangalan sa aming pamilya,†emosyonal na paghahayag ng kanyang kapatid.
Bukod kay Amor, ginawaran rin ng PAGCOR ang 11 pang grand prize winners para sa Mobile Category at 12 grand winners mula naman sa Conventional Category. Bawat isa sa Conventional Category ay tumanggap ng P75, 000 cash at P30, 000 naman bawat isa sa Mobile Category. Ang litratong kuha ng mga grand winners ay itatampok sa 2015 Corporate Calendar ng PAGCOR. Nagbigay naman ang PAGCOR ng P20,000 bawat isa bilang consolation prize sa walong non-winning grand finalist sa Conventional Category at P5,000 bawat isa sa walong non-winning grand finalist sa Mobile Category. Ang pagdiriwang ay selebrasyon ng magagaling na talento. Nagpahayag ng papuri ang PAGCOR Chairman at CEO na si Cristino L. Naguiat, Jr. sa mahusay na pagkuha ng mga grand winners kung saan ipinakita nito ang mga imahe na nagtatampok ng mga magagandang katangian ng bansa. “We received about 7,500 entries in this year’s photo contest. If you were considered a grand finalist, it means your photo passed the critical eye of the judges who are all seasoned photographers and renowned visual artists,†wika nito.
Samantala, si Ruwen Verdaguer ng Atimonan, Quezon naman ang nakakuha ng maraming parangal mula sa Conventional Category. Ang kanyang dalawang entries na “Mystical Mayon†at “Street Dance Warrior†na kuha sa Iloilo noong Dinagyang Festival ay parehong tinanghal na grand winner. Maliban sa P150,000 na natanggap nito bilang cash prize, ang “Mystical Mayon†din ang nakakuha ng Most Popular Photo Award. Tumanggap siya ng karagdagang P5,000 para dito. Ibinahagi ni Verdaguer na lumahok siya sa 1st Photo Contest ng PAGCOR noong nakaraang taon ngunit hindi siya pinalad na makapasok sa grand finals.
“Hindi ako nawalan ng pag-asa kaya sumali ako ulit. I did not expect that both of my entries will win the grand prize and the Most Popular Photo dahil napakaraming sumali sa competition na ito,†wika nito.
Ang seasoned corporate, documentary at advertising photographer naman na si Wig Tysmans na isa sa mga hurado sa Metro Manila screening at grand finals ay nagpahayag na maraming mga kalahok ang magaling talaga. Pinuri din nito ang commitment ng PAGCOR sa pagtaguyod ng lokal na turismo. “What better way to promote the Philippines than through a photo competition such as this,†pahayag nito.
Ang mga larawang nanalo sa grand finals ay gagamitin sa 2015 Calendar ng PAGCOR kaya naman hindi lang dapat ito kaakit-akit sa paningin, kundi naglalahad din ng istorya o kwento. “Whenever you see the entry, you should be able to discover something new every day. That photo should be able to grow on you,†dagdag nito.
Ang iba pang nagwagi sa 2nd PAGCOR Photography Competition (Mobile Category) ay sila licensed pharmacist na si Ray Johnino Carinugan para sa “Look Upâ€; Rodolfo MaÂcaraeg, Jr. ng Mangaldan, PangaÂsinan para sa “Serenityâ€; Neriza Angcay mula sa Cebu para sa kanyang mga entry na “A Plea to Senyor Santo Niño†at “Kids of Bantayan Islandâ€; Elma Zambra, isang maybahay mula sa Janiuay, Iloilo para sa “Strawberry Tahoâ€; Atty. Ghelynne Avril del Rosario para sa “Just Passing Byâ€; estudyante ng Industrial Engineering na si John Paulo Baticulon para sa “Sweet Spectrumâ€; Timothy Joshua Vargas para sa “How Much is Mother Natureâ€; Emerald Jay Ilac para sa “Clouds Unveiling Batadâ€; graphic designer mula sa Cebu City na si Jennifer June Ngo Sibi para sa “Boodle Fight†kung saan pinakita nito ang paboritong ulam ng kanyang pamilya tulad ng danggit at dried pusit; at Desiderio Ayanan, Jr. kung saan ipinakita nito ang “Coron Island Coveâ€. Para naman sa Conventional Category, ang iba pang nanalo ay sila Harley Palangchao para sa “More Fun in Banaue†na kuha noong 11th Imbayah Festival sa Banaue; ang mula sa Aklan na si Andre Andrade para sa “Fishing in Kapurpurawan Rock Formation†sa Ilocos; ang “Salt Farmer†ni Norman Cruz Posecion kung saan ipinakita ang tradisyunal na paggawa ng asin sa Miagao, Iloilo; “Takbong Kalabaw†ni Arjoy Ceniza’s; “Toss and Hit†ni Voltaire Anthony Rosario kung saan pinakita ang mga batang naglalaro ng tumbang preso; Richie Reynan Tan para sa “Geronimo†kung saan itinampok ang mga matatapang na kalalakihang tumalon sa dagat mula sa isang mataas at magandang rock formation sa San Francisco, Surigao del Norte; “Zoom†ni Zer Jason Cabatuan kung saan ipinakita ang isang Igorot na lumahok sa wooden scooter race noong Imbayah Festival ng kasalukuyang taon; Dionisio Jundio Salvador, Jr. para sa “Jeepney Rooftopâ€; “Sungka†ni Gina Meneses; at “Thousand Crosses†ni Mclloyd Jumpay na kuha sa Mabalacat, Pampanga kung saan pinapakita ang mga deboto at nagpipenitensiya habang naglalakad habang pasan ang krus noong nakaraang Mahal na Araw sa tulay ng Mabalacat. (KINALAP NI IGIE MALIXI) SA MGA BIKTIMA NG KRIMEN o may problemang ligal magpunta sa 5th floor City State Centre bldg. Shaw Blvd., Pasig. O mag-text sa 09213263166, 09213784392, 09198972854. LandÂline 6387285 / 7104038.