Ang Nakamamanghang Gamit ng Ihi (Last Part)

Sangkap sa Paggawa ng Gunpowder. Kapag ang ihi ay hinayaang ma­hanginan ng ilang araw, ito ay may mamumuong nitrates hanggang magkaroon ng chemical changes at magiging potassium nitrates. Ito ngayon ang gagamiting sangkap sa paggawa ng explosives.

Nakapagpapatubo ng Ngipin. May mga kasong naubusan ng ngipin ang isang tao dahil sa aksidente o sakit. Ang ihi ay may stem cells na puwedeng gamitin sa reprogramming ng neurons. Ito ang ginagamit upang makapagpatubo ng ngipin. Mga Chinese scientists ang kasalukuyang gumagawa ng pag-aaral tungkol dito. Maganda raw gamitin ang ihi natin dahil ang stem cells nito ay hindi  tinutubuan ng tumor.

Nagpapatibay ng kulay sa tela. Sa England noong 1500s, ihi ang isa sa importanteng sangkap sa pagkukulay ng mga tela. Ang urea sa ihi ang nagpapatibay upang hindi matanggal o kumupas ang kulay ng tela. Ihi rin ang nagpapatingkad ng kulay.

Pandilig ng Halaman. Ang ihi ay may mataas na level ng nitrogen na mainam na pampataba ng lupa at halaman. Ngunit mainam lang itong gamitin sa  decorative and flower plants. Huwag sa halamang kinakain ng tao. Nagiging masipag sa pamumulaklak ang orchids kapag ihi ang idinidilig dito. Hangga’t maaari, ihi sa umaga ang dapat idilig or first morning urine dahil ito ang the best.

Source: http://www.toptenz.net/top-10-ways-to-use-your-pee-to-improve-your-life.php             

Show comments