‘Langhap’ (Taxi modus)

GASGAS na ang modus ng mga putok sa buhong pagala-galang nagpapanggap na mga taxi driver pero marami pa rin ang mga nabibiktima.

Ito ang pagpapaamoy ng isang uri ng kemikal sa loob ng minamaneho nilang airconditioned taxi.

Pangkaraniwang laman na lang ng balita sa telebisyon, radyo at mga pahayagan ang ganitong insidente. Hindi na naaalertuhan ang publiko tungkol dito.

All-year-round o walang pinipiling panahon ang modus na ito. Ang kanilang target, mga babaeng pasahero.

Nitong Enero, nagka-interes ang BITAG Investigative Team na alamin at tukuyin ang kemikal na ginagamit sa modus.

Tatlong babae ang dumulog sa amin na kapwa biktima ng mga nagpapanggap na taxi driver.

 Iisa ang kanilang reklamo, nakalanghap sila ng isang uring amoy na nagdulot sa kanila ng pagkahilo at panghihina.

 Ito ’yung kemikal na kapag nalanghap ng kanilang pasahero sa loob ng taxi, agad makakaramdam ng pagkahilo, pamamanhid ng katawan at panghihina. 

Dito nagkakaroon sila ng oportunidad na isagawa ang krimen at kapag minamalas pa ang biktima, momolestyahin.

 Sa tulong ng mga dalubhasang doktor, natukoy ng BITAG ang kemikal na nabibili lang sa may bahagi ng Maynila isang dura lang ang layo sa tanggapan ng Department of Health.

 Ang problema, nabibili lang ito sa mga nakapalibot na parmasya ng kahit sino, maaaring bumili ng walang reseta.

 Alamin ang uring kemikal na ito. Panoorin ang “Langhap” sa bitagtheoriginal.com upang makaiwas at hindi mapasama sa estatistika ng mga nabibiktima.

 Para sa iba pang tips ng iba’t ibang uring modus, ugaliing makinig at manood ng BITAG Live araw-araw tuwing alas 10:00-11:00 ng umaga sa Radyo5 92.3 News FM at AksyonTV.

 

Show comments