16. Kainin ng buo ang itlog. Sa mga nakalipas na taon, marami ang nagsasabing masama ang pula ng itlog dahil sa mataas na lebel ng cholesterol. Ang good cholesterol na nasa egg yolk ay nagtataglay ng 100% carotenoids, bitamina A, E, D at K. Mayroon din itong choline na pampatalino at para sa atay. Basta hindi lalampas sa anim na itlog sa isang linggo, good for the heart pa iyan. Kapag lumabis nagiging bad cholesterol na.
17. Kung mag-aasukal, tunay na asukal ang gamitin. Kung iinom ka ng softdrinks, yung regular ang inumin kaysa “diet.†Ayon sa mga pag-aaral, mas mataas ang posibilidad na magkaroon ng diabetes ang mga umiinom ng diet version.
18. Hindi porket mas hilaw ay mas mainam at mas masustansiya. May mga pagkaing hindi natin pwedeng kainin ng hilaw talaga. Hindi naman ang pagiging hilaw ang crucial kundi ang paraan ng pagluluto at ang presensiya ng apoy. Kapag kasi overcooked ay nawawala na ang sustansiya ng mga pagkain. Ang pag-iihaw at blanching o pagtubog sa kumukulong tubig at poaching o pagluluto sa tubig ang pinaka-healthy na paraan dahil wala o halos walang oil.
19. Maging mapanuri sa mga nakasulat sa mga binibili sa grocery. Hindi porke fat-free ay healthy. Wala nga itong fat pero mataas naman ang calories, asukal at asin nito. Tandaan na dapat balanse ang lahat ng nutrients para maging mainam para sa katawan ang pagkain.
20. Kumain nang maraming prutas kahit marami itong asukal. Hindi bale dahil natural at hindi naman processed ang asukal nito. Mayaman pa sa fiber kung mismong ang prutas ang kakainin mo.
21. Gumawa ng diyeta pero iba-ibahin ang pagkain. Kung iyon at iyon lang ang kinakain mo araw-araw ay mabo-bore ka. At kapag na-bore ka ay maghahanap ka ng iba, baka ang mahanap mo ay masama pa para sa iyo. Kailangang maging varied ang menu para rin marami at iba’t iba ang mga bitamina’t mineral na nakukuha.
22. Kumain ng karne. Dahil ang red meat, lalo na ang beef ay magandang source ng protina at iron. Alamin din ang tamang gramo o timbang at sukat ng beef.
Good luck! Eat right and feel right!